Janella Ejercito happy to celebrate 18th birthday with lolo Erap

IMAGE 0


One of the reasons why former President Joseph "Erap" Estrada's considers his presidential pardon as very timely is because he really wants to see his eldest apo, Janella Marie, celebrate her 18th birthday. Erap is Janella's first dance that night.


Engrande ang 18th birthday party ng panganay na anak nina Senator Jinggoy Estrada at Ms. Precy Vitug-Ejercito na si Janella Marie V. Ejercito. Naganap ang debut celebration last Friday, November 30, sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Philippine Plaza on Roxas Boulevard.

Malaki at magara ang venue ng party at halatang milyones ang ginastos dito. Sosyal ang food at overflowing ang drinks. Agaw-pansin sa bonggang flower arrangement on every table ang napakaraming Holland tulips. Ito ang first big event ng pamilya simula nang mabigyan ng pardon si former President Joseph ‘Erap' Estrada last October 25.

Kwela ang VTR message ni Pres. Erap sa birthday girl. Ang sabi niya, paborito niyang apo si Janella dahil bukod sa mabait at masipag itong mag-aral ay maganda ang bagets. Buti na lang daw at nagmana ng ganda si Jel (nickname ni Janella) sa kanya at sa mommy nito. Pati raw ang magandang boses nito ay namana sa kanya at kay Ms. Precy. Kaya lang, nakuha raw ng dalaga ang kulay ng kanyang Daddy Jinggoy. Sabi pa ni Erap, talagang minadali ng attorney niya na makakuha siya ng pardon para maka-attend sa debut ni Jel.

Cute yung special number ng debutante with younger brothers Jolo and Julian. Ang una ang naging ka-duet nig birthday lady sa kantang "Way Back Into Love" (theme song from the movie Music & Lyrics), habang ang huli naman ang tumugtog ng gitara. Naki-join din sa harapan ang bunso nilang kapatid na si Jill.

Ang Mommy Precy nila ay umawit ng "All My Life," and their Daddy Jinggoy sang his own version of "Ikaw," na sadyang binago ang lyrics for Janella. In his message, after his song number, nasabi ni Sen. Jinggoy na hindi siya expressive sa kanyang love for his four children, pero mahal na mahal niya raw ang mga ito, lalo na ang eldest niyang si Janella who first taught him how it feels to be a father.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Touching ang message ni Jinggoy sa kanyang dalaga. He even borrowed the famous line from the animated Disney movie Mulan na, "The greatest gift of all is having you as my daughter."

Ang Lolo Erap ni Jel ang kanyang first dance sa 18 roses at last dance niya ang kanyang daddy. Si Brad Turvey ang nag-host ng affair, na pinalitan ni Jake Cuenca sa 18 shots portion.

Malaking part ng crowd that night ay mga guwaping and pretty teenagers na relatives and friends ng debutante. May kikay song number ang all-girl classmates ni Jel from Poveda.

Standout among the Ejercito bagets ang 17-year-old son ni Erap kay former actress Laarni Enriquez na si Jake Ejercito. Sa Revilla boys naman ay heartthrob ang dating ng teenager son ni Princess Revilla na si Anton Ocampo.

Kasama sa 18 roses ang best friend ni Jinggoy na si Sen. Bong Revilla. Part naman ng 18 shots ang Revilla brothers na sina Bryan and Jolo, and the Fernandez brothers Raphael and Renz.

Magkasamang dumating sa party sina Gretchen Barretto and Tonyboy Cojuangco, Lorna Tolentino and Rudy Fernandez, Sen. Bong and Lani Mercado, Ruffa Gutierrez with mom Annabelle Rama and dad Eddie Gutierrez.

Parehong walang ka-date sina Derek Ramsey and Rustom Padilla. Sweet sa isang table sina Bianca King and Champ Lui Pio. Kasama rin sa 18 shots ang Hale vocalist and rumored boyfriend ni Bianca.

Also present were Tirso Cruz III and wife Lyn Cruz, with son Bodie na kasama rin sa 18 shots, Bobby Andrews (na birthday rin that day, Bonifacio Day) with wife Bienne Co, Mother Lily Monteverde, Eddie Garcia and other celebrities.

Very organized ang party na inasikaso ng younger sister ni Jinggoy at tita ni Jel na si Ms. Jackie Ejercito-Lopez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN