Talent manager Alfie Lorenzo says he and Lolit Solis have love-hate relationship

IMAGE 0


Talent managers and entertainment columnists Lolit Solis (left) and Alfie Lorenzo (right) talked on the phone earlier today as if nothing happened. Alfie previously attacked Lolit in his column for dragging his name in the Piolo-Sam controversy.



Habang nagaganap ang tensiyon sa Manila Peninsula sa Makati City kanina, November 29, kalmante na magkausap sa cell phone ang talent managers at entertainment columnists na sina Lolit Solis at Alfie Lorenzo.



Ang kanilang topic? Ang mga giveaway nina Senator Manny Villar at DENR Secretary Lito Atienza na matagal nang hinihingi ni Alfie mula kay Lolit. Parang walang tampuhan na nangyari sa pagitan ng dalawa na ikinamangha ng mga kaharap ni Alfie. Ang kanilang tanong: "Pinaglalaruan lang ba tayo nina Alfie at Lolit?"



Nang magsalita si Alfie laban kay Lolit dahil idinamay siya nito sa Piolo Pascual-Sam Milby gay issue, marami ang humula na matinding away ang mangyayari sa pagitan nila dahil kapwa palaban ang dalawang showbiz columnists. Pero malabo o hindi mangyayari ang inaasahan na malaking away nina Lolit at Alfie.



Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Tito Alfie, sinabi nito na hindi sila magkaaway ni Lolit at hinding-hindi sila mag-aaway dahil normal na ang kanilang love-hate relationship. Hindi rin daw basta masisira ng mga intriga ang kanilang pagkakaibigan na maraming taon na ang ibinibilang.



Ayon kay Alfie, nakababatang kapatid ang turing niya kay Lolit at kung naging matapang man ang kanyang mga pananalita, 'yon ang paraan niya ng pagpapaalaala kay Lolit.



Ipinahayag din ni Alfie na hindi siya pabor sa pagdedemanda nina Sam at Piolo kay Lolit. Umaasa si Alfie na mauuwi sa pagpapatawaran ang kaso dahil napakaliit ng showbiz para mag-away-away ang mga showbiz personality.



Nabanggit din ni Alfie sa PEP na nabalitaan niya na siya ang susunod na idedemanda ni Piolo dahil sa mga artikulo na isinulat niya noon na hindi pabor sa aktor. Welcome na welcome sa manager ni Judy Ann Santos ang demanda ni Piolo, pero pinabulaanan daw ito sa kanya ng isang tao na may koneksiyon sa Star Magic, ang talent agency na nangangalaga sa career ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN