Katrina Halili downplays rumored rift with "Marimar" co-star Marian Rivera

IMAGE 0


Although Marimar co-stars Katrina Halili (left) and Marian Rivera (right) play enemies in their soap opera, it does not mean that they are also like that off-cam.



Hindi apektado si Katrina Halili kung kumakalat man ang balitang hindi sila close ng co-star niyang si Marian Rivera habang ginagawa nila ang teleserye na Marimar sa GMA-7.



Aminado si Katrina na hindi sila naging close ni Marian, pero maayos naman daw ang pakikipagtrabaho niya rito. Kapag may eksena sila ay ginagawa raw nilang dalawa ang lahat para maging maayos ang take nila.



"Hindi man kami close ni Marian, wala kaming problema kapag may eksena kami," diin ni Katrina. "Kapag may scene lang naman kami nagkakausap. Kailangan kasi ng magandang interaction para mabilis matapos ang eksena. After naman nun, okay lang kasi may kanya-kanya kaming lugar tuwing taping kaya wala kaming panahon talaga to bond with each other."



Nabanggit din ni Katrina na hindi naman daw sila madalas magkasama ni Marian sa location shoot. Mas madalas daw kasi na hindi sila magkasama sa eksena.



"Ngayon nga lang ulit kami nagkasama ng matagal sa shoot. Matagal din kami kasing hindi nagkaroon ng mga malalaking scenes. Sa akin naman, walang problema kung hindi kami close. Ang importante ay maayos ang mga trabaho namin," saad ng young sexy actress.

Parehong may entry sa 2007 Metro Manila Film Festival. Si Katrina ay nasa Shake, Rattle & Roll 9, samantalang si Marian naman ay kasama sa Desperadas at Bahay Kubo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN