Kristine Hermosa not yet ready to enter another relationship

Dec 1, 2007
Kristine Hermosa on the real score between her and Diether Ocampo: "Ako naman, ever since, lagi ko namang sinasabi kung ano ang totoo. Hindi ako masyadong mahusay magsinungaling. So yun, ako rin naman, e, kapag tinatanong ako kung kami pa, sinasabi ko rin ang totoo—na wala na, na hindi na kami ngayon."

Pumirma na ng bagong kontrata sa Star Cinema ang aktres na si Kristine Hermosa last November 27. Ginanap ang contract-signing sa OMD Conference Room sa Star Cinema office sa harap ng managing director ng kumpanya na si Malou Santos, kasama ang kanyang manager sa Star Magic na si Johnny Manahan.

Two-picture-contract for two years ang pinirmahan ni Kristine sa Star Cinema. Pasok na sa bagong kontrata ni Kristine ang pelikulang ginagawa niya with Toni Gonzaga at Sam Milby na Big Love.

This year, kasali pa rin si Kristine sa ika-apat naseries ng box-office movie ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival, ang Enteng Kabisote 4 ng Octo-Arts Films at M-Zet Productions. Sa pelikulang ito, inamin ni Kristine na mas nagiging close sila ng co-star niya sa movie at anak ni Vic na si Oyo Sotto.

"Nakakatawa nga dahil ang tagal-tagal na naming ginagawa ni Oyo ang Enteng, dito sa part 4 lang kami naging close," ang bungad ni Kristine.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy niya, "Last year, hindi pa masyado kasi nagsisimula pa lang yung friendship namin. Pero biglang ang dami agad naglabasan kaya natigil. So akala ko, dahil doon parang wala na. Goodbye na. Kalimutan na tayo, ganyan...E, hindi. Na-surprise ako dahil itong Enteng Kabisote 4, natuloy yung friendship namin. Kumbaga, mas lumalim yung friendship."

Ang tipo raw ni Oyo na hindi naniniwala sa panliligaw, na wala naman daw kaso kay Kristine dahil hindi nga naman nanliligaw yung binata sa kanya. Pero naniniwala siyang ang friendship ay mainam na foundation ng isang relationship.

"Hindi nga siya yung tipo na nanliligaw. Hindi nga siya nanliligaw. Alam ninyo, sa totoong buhay lang, huh, hindi ako sa nagpapaka-plastik or nagpapaka-ipokrita pero every friendship puwedeng ma-develop into something else.

"Palagi namang ganun and yun ang mas magandang foundation, yung friendship. Pero ayokong magsalita ng tapos. Hindi rin naman ako nagsasara ng pintuan ko. Pero alam din naman ni Oyo na as of this moment, hindi pa rin talaga ako ready para mag-commit at pumasok na naman sa isang relationship. Hindi pa...at mukhang matatagalan pa. So, yun," ang mahabang paliwanag ni Tintin.

Continue reading below ↓

Nito lamang nakaraang buwan inamin nina Kristine and Diether Ocampo na tapos na ang kanilang relasyon, although wala pa ring balita tungkol sa nullification ng kanilang kasal na naganap noong taong 2004.

Sa ngayon, si Oyo nga ang nalili-link sa Prinsesa ng Banyera star. Although mariin nitong sinasabi na magkaibigan lang sila, may chance kaya na maging sila eventually?

"Pero hindi ko rin naman sinasabi na hindi. Hindi talaga, yung ganyan...Kasi mabait din naman na tao si Oyo, mabuting tao. So, hindi ko masasabi," ani Kristine.

Nagkabanggaan at nag-usap na ba sila sa ABS-CBN ng mga ex-girlfriends ni Oyo tulad nina Angel Locsin at Anne Curtis?

"We're not close but na-meet ko na siya and okey naman siya. Wala naman akong masasabi doon. Actually, sinasabi ko kay Oyo if...kung magkakaro'n ng chance na makausap ko si Angel, kumbaga, somehow makasama ko sa mga personal na mga lakad, alam mo yun? Gusto ko siyang maging kaibigan and I want to know her better. Tapos si Anne naman, sobrang good friend ko naman yun," kuwento niya.

Continue reading below ↓

E, si Alessandra de Rossi?

"Naging classmate kami sa DLC [Distance Learning Center], yung school ng ABS-CBN before, and sobrang okey kami ni Alex nung time na yun. Syempre, sobrang mga bata pa kami noon, 'tapos nawala na siya sa ABS," ang sagot niya.

Pero totoo ba na pinagselosan ni Diether Ocampo si Oyo?

"Hindi ko kasi nakakausap si Diet sa mga ganyang bagay, e. Pero kung totoo man ‘yon, I guess, ano lang, natural lang ‘yon. Normal lang yun sa taong nagmamahal,"ang mabilis na sabi ng 24-year-old actress.

Aminado si Kristine na mahal pa rin niya hanggang ngayon si Diet.

"Alam ninyo po, hindi ko naman sasabihin na hindi pa ako handa kung hindi ko na siya mahal. Syempre, nandun pa rin ang pagmamahal na yun at hindi na siguro mawawala yun. Pero dadating din yung time na, ayoko rin naman kasing tumandang dalaga...so darating din yung time na magiging open at magiging ready na ulit ako to love and to have a relationship. Pero hindi pa ngayon," ang diin ni Tintin.

Continue reading below ↓

Nung huli naming nakausap si Diet, inamin niya na naging masakit ang paghihiwalay nila.

"Uhm, kung hindi man ninyo ako masyadong nakakausap pero hindi kasi ako...magmula pa lang kay Jericho, alam naman nating lahat yun na I really never talk about my hurt and my pain, and I don't think na tama para pag-usapan pa ang mga sakit na yun," ang sabi ni Tintin na tila asiwa sa topic.

Dagdag niya, "Para sa akin, minahal ko ang tao, wala akong dapat pagsisihan at hindi rin ako dapat nagsasalita ng kung anu-ano nang dahil lang sa sakit. Dahil nangingibabaw pa rin sa akin ang pagmamahal at respeto sa pinagsamahan namin..."

Bakit finally nag-decide sila na umamin sa paghihiwalay nila?

Sabi niya, "May mga bagay na hindi natin puwdeng i-push. Hindi natin puwedeng pwersahin. Na panahon lang ang makakapagbago o makapag-heal. So, ayoko i-push ang mga bagay na sa ngayon, hindi na talaga magwo-work."

Continue reading below ↓

Nagselos ba siya nung matsismis si Diether sa co-star niya sa Princess Sarah na si Bubbles Paraiso?

"Ah, nagselos? Ah, hindi, e. Parang syempre, nung time na yun, natanong ko siya na parang, ‘Totoo ba?' Syempre hindi naman natin maiiwasan ‘yan. Syempre may mga ano pa rin 'yan na, ‘Totoo ba na nagdi-date kayo or something?'

"Pero sinabi naman niya sa akin...natawa lang siya. Pero sinabi naman niyang hindi. Pero yung tawa niya naman parang, ‘Hahaha! Nagseselos?' ‘Hmp, bahala ka nga sa buhay mo,' ganun..." ang diretsahan niyang kuwento.

Nang usisain namin kung naaapektuhan pa rin kaya siya kapag may nababalitaan siyang dini-date ni Diet, aniya, "May sakit pa rin kasi hindi ko pa rin naman sinasabi na wala na talaga. I mean, wala na talaga akong nararamdaman para kay Diet.

"Ang sinasabi ko nga kanina, hangga't hindi pa ako handa magkaroon ng someone else at pumasok sa isang relationship ulit, meron pang pagmamahal. 'Tsaka lahat naman ng taong naging parte, may pagmamahal ako. Hindi na mawawala yun."

Continue reading below ↓

So, mas malaki ang chance na magkabalikan sila ni Diether kesa maging sila ni Oyo?

"Alam naman ni Oyo yun...pero kumbaga, sinusuportahan niya ako kung saan ako masaya. Basta ang lagi niya lang sinasabi sa akin, 'sana lang kung sinuman talaga ang lalaking pipiliin mo o makakatuluyan mo, papahalagahan ka. Sana nakikita yung efforts mo,' yung ganyan...So yun, and all support naman doon si Oyo."

Tumatawag pa rin daw at nagti-text sa kanya si Diether but not as often as before. Marami na raw ang nagbago at tanggap niya na nasa ibang level na talaga siya sa puso ni Diether.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristine Hermosa on the real score between her and Diether Ocampo: "Ako naman, ever since, lagi ko namang sinasabi kung ano ang totoo. Hindi ako masyadong mahusay magsinungaling. So yun, ako rin naman, e, kapag tinatanong ako kung kami pa, sinasabi ko rin ang totoo—na wala na, na hindi na kami ngayon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results