Ai-Ai delas Alas counts her blessings from Kapamilya to kitchen

IMAGE 0


"Natutuwa kasi ako 'pag nagluluto, e. Ito ang napili ko kasi sapagkain, walang lugi basta masarap ang ihahain mo sa customer at hindiyung sarap-sarapan lang," says Ai-Ai delas Alas about her passion for cooking.



Buena-mano si Ai-Ai delas Alas sa pagiging Santa Claus dahil last December 1, kasabay ng grand opening ng kanyang Ai Sarap restaurant (Kyusi Branch) ay naganap ang kanyang Christmas party for the press.

Ayon kay Ai-Ai, naging maganda ang pasok sa kanya ng year 2007 although may mga na-experience din siyang kaunting problema. Pero dahil daw sa mga setback na ito ay mas naa-appreciate niya ang magagandang nangyari sa kanyang buhay lalo na sa kanyang career.



"Marami akong dapat ipagpasalamat this year," panimula ni Ai-Ai. "I had shows abroad, sa Amerika, Japan, Guam, and even sa mga provinces like Cebu. Maraming raket, naging endorser pa ako ng isang gamot. Pumirma ako ng panibagong kontrata sa ABS-CBN, ang daming guestings din. May regular primetime show din ako, ang Princess Sarah.

"Naging successful pa ang birthday concert kong Ai-Ai: The Greatest Performance of My Life last November 16 sa Araneta. Bongga rin ang movie namin ni Rufa Mae [Quinto] na Pasukob. That's why I really have so much to thank for this year."



Kuwento pa ni Ai-Ai, noon pa man ay gusto na niyang magtayo ng restaurant business kaya kumuha siya ng course sa Center for Culinary Arts (CCA). Two years ang kurso niya at kailangan niya pang tapusin ang one year to reach Level 5 para magkaroon siya ng certificate.



"Ang OA ko kasi at ang gusto ko talagang makuha doon ay diploma for Culinary. E, two years 'yon at talagang madugo dahil almost P300,000 ang tuition fee. Dream ko talagang magkaroon ng 24-hour resto at sobrang happy ako dahil unti-unti na itong natutupad.

"Natutuwa kasi ako 'pag nagluluto, e. Ito ang napili ko kasi sa pagkain, walang lugi basta masarap ang ihahain mo sa customer at hindi yung sarap-sarapan lang. I have two more branches, isa sa Manila at isa sa Pasig. It's all doing fine kaya ang sarap ng feeling," masayang kuwento ng comedienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Among her specialty dishes daw ay carbonara, nilagang baka, breaded porkchop and chicken, at lechon kawali.



CHRISTMAS LOVE.
Samantala, since nalalapit na ang Christmas, tinanong namin si Ai-Ai kung paano niya ba ito isine-celebrate at kinumusta rin namin ang kanyang lovelife ngayon.



"Siyempre, I'll be with my family," sambit niya. "And continous pa rin yung pagtulong ko every Christmas sa Missionaries of Charity sa Tondo [Poorest of the Poor], yung kay Mother Theresa. I always try to share every blessings I got sa mga nangangailangan.



"Tungkol sa lovelife ko, wala ang pangit!" tawa niya. "'Pag ‘yan ang tanong, walang katorya-torya, walang kakuwenta-kuwenta akong kausap."



Sa career ay masaya naman daw siya kaya wala na siyang mahihiling pa. Busy siya ngayon sa taping ng Volta The Series na magsisimulang ipalabas next year sa ABS-CBN.

Sobrang thankful din daw siya sa importansiyang ibinibigay sa kanya ng Kapamilya network. Wala raw siya talagang pinagsisisihan sa ginawa niyang pagpirma ulit dito. Kahit daw paminsan-minsan ay nagloloka-lokahan siya ay lagi siyang iniintindi ng ABS-CBN. It pays to be loyal talaga, sabi ni Ai-Ai.



Magsu-shoot na rin daw siya ng movie sa Star Cinema, Ang Tanging Ina Ninyong Lahat under the direction of Wenn Deramas, plus ang first tambalan nila ng action superstar na si Robin Padilla sa isang pelikula under Viva Films.

Excited ba siya sa movie nila ni Robin?



"Oo naman, super excited!" bulalas niya. "Sa tingin ko, may magic kami ni Robin, e. I do hope mag-click ang tambalan namin. Sigurado ako riot ito sa aming dalawa. Delicious at yummy ang lolo mo, ‘no!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN