In Malaysia with Angelica Panganiban, Derek Ramsey, and Joross Gamboa!

Dec 6, 2007
The three pose for another shot while waiting for the roller coaster to start. They are, by the way, at Malaysia's Theme Park.

Last October 31, 2007, ay lumipad na magkakasama si Joross Gamboa at ang mag-sweetheart na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsey papuntang Malaysia.

Aminado naman si Joross na one reason why he went to Malaysia was to see his non-showbiz girlfriend then. However, both of them decided na mag-break muna dahil long-distance love is quite complicated.

On Derek and Angelica naman, tila naging habit na ng nila ang mag-travel together once may libre ang respective schedules nila. And since Malaysia nga raw ang isa sa mga bansa sa Asia na hindi pa nila napupuntahan, ito ang naging destinasyon nila.

Ang pagiging sobrang close ng tatlo ay hindi na lingid sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Kahit sa Pilipinas, as long as they're both free from their work, kasama palagi nina Angel at Derek si Joross.

When Joross was asked by PEP kung hindi ba siya naiilang na mag-sweetheart ang dalawa at siya naman ay solo flight lang with them, nagbibirong sinabi ni Joross na, "Eh, wala...eh, ako yata ang pampatawa nila."

Continue reading below ↓

But obviously, their trip to Malaysia was a different one. Instead na si Joross ang pang-aliw sa grupo nila, the couple made Joross's trip to Malaysia an enjoyable one despite what happened.

Si Joross nga mismo ang nagkuwento sa PEP kung gaano kasaya ang five-day travel experience nila sa Malaysia. Their first two days were spent daw in Kota Kinabalu, na ayon sa paglalarawan ni Joross, ay maituturing na probinsiya sa Malaysia. Doon na rin daw sila nag-celebrate ng Halloween, na hindi raw kasing-engrande tulad ng pagse-selebra natin sa Pilipinas.

Kuwento pa niya, sangkaterbang Pinoy rin daw ang naroon kaya bago raw sila umuwi ay ang dami na nilang na-meet na mga bagong kakilala.

Ilan pa sa mga ginawa nila ay ang mag-bar-hopping, mamasyal at mag-shopping. Five days daw yun na purely vacation and no work involved.

On their third day (November 4), saka lang sila nagpunta sa Kuala Lumpur, ang pinaka-capital ng Malaysia at doon na rin daw nag-celebrate ng birthday si Angelica. Kinabukasan sila umuwi sa 'Pinas.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga pinasyalan daw nila ay ang Theme Park; ang Aquaria, na isa raw sa pinakamalaki, if not, the largest aquarium in the world; at ang Petronas Tower na isa rin sa pinakamataas na buildings sa mundo at kung saan daw sila nakapag-shopping ng husto.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The three pose for another shot while waiting for the roller coaster to start. They are, by the way, at Malaysia's Theme Park.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results