Jomari Yllana on Pops Fernandez: "I can say I met my match with her."

Dec 5, 2007
"I'd never been comfortable like this and I really do see myself spending a long, long time with her," says Jomari Yllana about girlfriend Pops Fernandez.

Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng isang live interview ang magkasintahang sina Pops Fernandez at Jomari Yllana sa The Buzz last December 2. Unang umupo si Pops kaharap ang co-host na si Ruffa Gutierrez.

Kinunan ng reaksiyon ni Ruffa si Pops tungkol sa pagpabor ng ex-wife ni Jomari Yllana na si Aiko Melendez sa relasyon nila. Wala naman daw problema si Pops kay Aiko. Inamin ng singer-actress na importante rin talaga na may blessing ng ex-wife ni Jomari ang relasyon nila ng aktor.



"Siyempre, it makes less stressful, di ba?" sabi ni Pops. "Mas okay siyempre yung... Kasi meron pa rin naman silang relationship when it comes to their son, si Andrei. It makes it easier."



This time with Jomari, very open na si Pops sa pagsasalita about her lovelife. Patunay lang na naka-move on na ang Concert Queen mula sa kanyang failed marriage with ex-husband Martin Nievera.



"Oo naman," pahayag ni Pops. "Siguro ano, kasi ako kapag hindi pa ako ready, hindi naman talaga ako nagsasalita. But I guess, ready na rin akong magsalita and, kumbaga, sa... I also learned my lesson kasi before, when I don't say anything, mas naiintriga. Mas nalalagyan ng iba't ibang kulay, so I might as well... I still have a little reserve siyempre for myself."

Continue reading below ↓



Kasunod nito ang paglabas ni Jomari. Hindi raw inaasahan ni Pops ang pagdating ni Jomari dahil ang alam niya ay may ibang lakad ang aktor.



FUTURE PLANS. Inilahad naman ni Ruffa ang napag-usapan nila ni Jomari sa birthday party ng ABS-CBN Business Unit Head na si Deo Endrinal last November 8 na hindi ulit magpapakasal ang aktor hangga't hindi pa nagiging adult si Andrei. Nine years old lang si Andrei ngayon, so it means that it will take another nine years more para magpakasal ulit si Jomari. Sila pa rin kaya ni Pops by that time?



"It's parang responsibility kasi to me. Yun naman ang gusto ko. I've been trying to raise a child," paliwanag ni Jomari.



Sinalo naman ni Pops si Jomari sa pagsasabing, "Siyempre, it's hard to answer."



Sinabi rin daw ni Jomari kay Ruffa na he can see himself with Pops for a long, long time until may white hair na siya.

Continue reading below ↓



Paliwanag ni Jomari, "Isa lang siguro ang masasabi ko doon... I'd never been comfortable like this and I really do see myself spending a long, long time with her."

I LOVE YOU BECAUSE... Sumunod na tanong ni Ruffa kina Pops at Jomari ay kung bakit mahal nila ang isa't isa. Naunang nag-volunteer sumagot si Pops.

Aniya, "Ako, I appreciate the fact that he's very understanding and very patient. Siyempre doon sa... Iba kasi yung line of work naming mga singer. ‘Tapos lately, I've been very blessed na maraming-marami akong mga ginagawang shows out of the country, and it's very difficult kapag you're in a relationship. But not even once did he ever complain na parati akong...or inuna ko ang trabaho ko at mga anak ko. I never heard him na parang masama ang loob niya or ‘bakit aalis ka na naman?'

"Naintindihan niya ‘yon, it's very important. Siyempre, I'm so set with my ways at how many years plus I also... Siyempre I've been married also, so I kinda know what I want. Alam ko na yung gusto ko, lalung-lalo para sa mga anak ko siyempre. Yun pa rin ang una kong responsibilidad. So, I truly appreciate na naiintindihan niya ‘yon, ‘tapos napaka-patient niya. In his own little way, he takes good care of me," pahayag ni Pops.

Continue reading below ↓

Inulit ni Ruffa ang tanong kay Jomari kung ano ang meron si Pops na wala sa ibang babae.

"Parang ang dami-daming babae nung tanong mo!" tawa niya. "Hindi, totoo ‘yon, mas marami ang babae sa buong mundo. Marami, marami talaga... I don't know. I can say I met my match with her."

Ano ba ang match niya?

"Hindi ko alam, e," sagot ni Jomari. "I'm still trying to... Ano'ng tawag doon? Hanggang ngayon naman parang kinikilala ko pa rin siya and hanggang ngayon parang nililigawan mo pa rin. So, yung sa akin, well, it's been like parang two years na nililigawan pa rin kita [to Pops]."

Type ba ni Pops ang ganun?

"Oo naman!" bulalas niya "Di ba, tayong mga babae, gustung-gusto natin parati tayong pinapansin. May mga little surprise, siyempre."

Dagdag naman ni Jomari "Hindi, ‘tsaka alam mo, alam ko marami pa akong hindi nalalaman tungkol kay Pops at pilit kong inaalam. Ang galing, very nice kasi ano, e, parang OFW ‘to, e. Hahaha! Hindi, di ba?

Continue reading below ↓

"Bihirang-bihira ko siyang makita. Hindi ko siya masyadong makita. Hindi ko siya masyadong nakakausap sa telepono, ganyan. Kasi most of the time, wala siya dito," paliwanag niya.

I LOVE YOU IN SPITE OF... Then, pinadugtungan ni Ruffa ang linyang "I love you in spite of" kina Jomari at Pops.

"Pops, I love you in spite..." bitin ni Jomari.

Sumingit si Pops, "Kantahin mo na lang kung gusto mo."

"Ayoko ng ganun," kasunod ang tawa ni Jomari. "Hindi naman ako singer, e. Tagalugin ko na lang."

Ilang sandali pa't bumuwelo ulit si Jomari ng kanyang sasabihin para kay Pops.

"Pops, mahal kita dahil... Mahal kita dahil... Ano ba? Mabigat ‘to. Pipay, mahal kita dahil wala kang katulad," sabi ni Jomari na tumanggap ng malakas na palakpakan at hiyawan sa loob ng studio.

Dagdag ni Jomari, "Nasagot ko na nga, di ba, dahil iniintindi mo yung bawat needs ko at naiintindihan mo siya. Higit sa lahat, inaalagaan mo rin ako."

Continue reading below ↓

Sa huling bahagi ng interview nagbigay ng mensahe si Jomari kay Pops para sa nalalapit nitong kaarawan ngayong Disyembre, "Be gorgeous."

Read Next
Read More Stories About
Jomari Yllana, Pops Fernandez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'd never been comfortable like this and I really do see myself spending a long, long time with her," says Jomari Yllana about girlfriend Pops Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results