Piolo, Sam, and Lolit, no-show at first hearing of libel case

by Alex Datu
Dec 6, 2007
The first hearing of the libel case that Piolo Pascual (left) and Sam Milby (right) filed against Lolit Solis (center) was heard earlier today at Manila City Hall. The three principal players did not attend the proceedings.

Ginanap ang unang pagdinig sa libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby kay Lolit Solis kaninang umaga, December 6, sa Manila City Hall. Pero hindi ito sinipot ng mga personalidad na nabanggit.

Ang nag-represent kina Piolo at Sam ay ang abogado nila na si Atty. Joji Alonso at si Atty. Noel Malaya naman ang nagpunta para kay Lolit. Nandun din si Atty. Gary Sancho representing Veronica Samio, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon, na nag-request ng extension sa pagsa-submit ng kanilang counter affidavit.



Ayon sa napagkasunduan, naka-set ang susunod na hearing sa December 13, Thursday, alas-diyes ng umaga. Sa pagkakataong ito, isusumite na nina Atty. Malaya at Atty. Sancho ang kani-kanilang counter affidavits para sa kanilang mga kliyente.



Ayon kay Atty. Malaya, kaya sila nag-request ng extension—na karaniwang ginagawa sang-ayon sa batas—ay para lalong maklaro ang mga dokumento na naka-attach sa complaint.



Sa parte naman ni Atty. Alonso, narinig na raw niya ang intensiyon ni Lolit na makipagbati kina Piolo at Sam. Pero hanggang ngayon daw ay wala pa silang natatanggap na proposal kung anong klaseng settlement ang gustong mangyari ng kabilang panig. Ito raw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi sila makapag-react regarding the matter.

Continue reading below ↓



Nilinaw rin ng abogado nina Piolo at Sam na malaki ang posiblidad na maidaan ito sa amicable settlement. Dagdag pa niya, kaya wala ang dalawang aktor sa hearing kanina ay dahil nag-report na sila noong nag-file sila ng complaint affidavit. Ang dapat daw na magpakita ay ang mga respondent para manumpa sa harapan ng fiscal.



"Natural lang naman na humingi ng extension ang respondent para magkakaroon pa sila ng sapat na panahon para sagutin ang nilalaman ng counter affidavit," paglilinaw ni Atty. Alonso sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa radio program na Wow, Ang Showbiz! sa dzXL kaninang umaga.



Habang ini-interview ni Ogie ang abogado nina Piolo at Sam ay nasa kabilang linya naman si Lolit na nakikinig. Gusto sana ni Ogie na mag-usap sina Atty. Alonso at Lolit, pero magalang na tumanggi ang lady lawyer dahil kung mayroon daw siyang dapat makausap ay ang abogado ng mga nasasakdal at hindi ang nasasakdal.

Continue reading below ↓



Sa kabilang banda, nilinaw ni Lolit na kaya hindi siya pumunta sa hearing kaninang umaga ay dahil ang mga abogado lang naman dapat mag-usap-usap. Pero sa gaganaping hearing sa December 20 ay kailangan nang dumalo ng talent manager.



Sa panayam naman ng 24 Oras kay Lolit kagabi, December 5, ay nagpahayag siya na handa siyang makipag-usap sa dalawang aktor para maayos ang nasabing demandahan.



"Ang ibig kong sabihin, kung nagalit sila sa akin dahil nga doon sa sinabi ko, willing ako talagang mag-apologize. Willing akong ipaliwanag sa kanila kung bakit ko nasabi 'yon," sabi ni Lolit.



Pagdating naman sa retraction na hinihingi ng dalawang matinee idols mula kay Lolit ay hindi pa rin nababago ang paninindigan ng talent manager sa bagay na ito.



"Hindi ko siguro magagawa 'yan kasi ang nakataya doon ay ang aking kredibilidad. 'Tsaka, ako naman ang nakakita at wala naman akong malisya nang sinabi ko 'yon. Wala naman akong galit sa kanila, hindi ko naman sila personal na kakilala. Wala talaga akong kamali-malisya nang sinabi ko 'yon," diin niya.

Continue reading below ↓



Ipinagdiinan din ni Lolit na ipaglalaban niya ang kanyang kredibilidad kung damating ang panahong hindi makukuha sa amicable settlement ang kaso. Ipapaubaya na lamang daw niya sa korte kung ano ang magiging husga sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The first hearing of the libel case that Piolo Pascual (left) and Sam Milby (right) filed against Lolit Solis (center) was heard earlier today at Manila City Hall. The three principal players did not attend the proceedings.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results