Shaina Magdayao confirms breakup of loveteam with Rayver Cruz

by Julie E. Bonifacio
Dec 6, 2007
"That's very clear na meron namang project si Rayver next year and ako may project will be with Papa P [Piolo] para naman... Kasi mahirap po kapag lumaki sa showbiz, parang ang tingin sa ‘yo ng mga tao yun pa rin. So, gusto po ng management na parang ipa-mature na yung role ko," explains Shaina Magdayao about the temporary breakup of her loveteam with Rayver Cruz.


Kinumpirma ng young actress na si Shaina Magdayao sa presscon ng pelikulang Bahay Kubo kagabi, December 5, na maghihiwalay muna sila ng ka-loveteam niyang si Rayver Cruz bilang screen partners. Magkatambal sina Shaina at Rayver sa Bahay Kubo pati na sa isa pang 2007 Metro Manila Film Festival entry na Katas ng Saudi.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Shaina kung may kinalaman ba ang pagpasok sa eksena ni John Prats sa personal life niya sa desisyon na paghiwalayin muna sila ni Rayver.

"Hindi po," tanggi ng young actress. "Kasi before pa po ‘yan, nag-iisip na talaga ang management kung paano ako maggu-grow as an actress. So, yung nga po, timing na 18 years old ako. I can't be stuck naman po with pa-tweetum na mga roles, di ba po?

"So, nung nag-turn ako ng 18 [last November 6], sabi nila, ‘What are you willing to do?' Obviously, I'm not willing to pose for a men's magazine. Hindi ko po kaya. So, sabi po nila, ang gawin na lang natin, mas mature yung roles mo, yung pag-atake mo, yung projects mo. So, parang it's an experiment po yung sa Lobo," pahayag ni Shaina na ang tinutukoy ay ang soap opera niya sa ABS-CBN, kasama sina Piolo Pascual at Angel Locsin.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "That's very clear na meron namang project si Rayver next year and ako may project will be with Papa P [Piolo] para naman... Kasi mahirap po kapag lumaki sa showbiz, parang ang tingin sa ‘yo ng mga tao yun pa rin. Kung sino ka dati, sa Marinella. Kung ano ako dati, feeling nila bata pa ako. So, gusto po ng management na parang ipa-mature na yung role ko."

Tuluyan na ba talagang bubuwagin ang loveteam nila ni Rayver?



"Yung pagbuwag ng loveteam, hindi pa nasasabi sa akin ng management," sagot ng young actress. "Wala naman akong karapatan para magdikta kung ano ang plano, di ba? So, lahat ng ginagawa ko ngayon, it's management decision."



Sa tingin ba ni Shaina ay kaya na niyang magsolo?



"No," mabilis niyang sagot. "Masasabi ko po na malaki ang naitulong sa akin ng may lovoteam, di ba po? Hiindi naman ho ako magiging solo talaga kasi kahit papaano, may gusto ako kay Papa P sa soap niya. So, hindi talaga solo actress. But given the opportunity, I'm willing to do anything and everything for my career."

Continue reading below ↓

Except?

"Siyempre, yung bold, hindi ko kaya. Kapag pumayag si Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head], kasi ako po hindi. Basta payag yung boss namin, okay lang sa akin."



Paano na ang dance tandem nila ni Rayver sa ASAP '07?



"It will still be there," sambit ni Shaina. "As of now, walang nasasabi sa akin ang management na bubuwagin ang loveteam. It's just that nahihirapan sila to give me projects. Kasi nga, puro tweetums, puro the same Shaina yung nakikita. So, they want a different Shaina next year, which is really different for me po kasi 23 years old ako doon sa soap [Lobo]."



RAYVER VS. JOHN. Mas boyfriend material ba si John kesa kay Rayver?



"Well, I don't want to compare anymore, ayoko na," pag-iwas niya. "They're very different. They're both unique. Pareho silang kaibigan, pero they're very different, so I don't want to compare."



Hindi pa ba niya binabasted si Rayver?

Continue reading below ↓



"Hindi po," ngiti ni Shaina. "Nasa kanya naman kung maghihintay siya at kung manliligaw pa rin siya. Actually, marami silang maghihintay. Well, sinabi ko naman na may mga non-showbiz pa, e."



Aware ba si Shaina na style daw ni John na hindi umaamin sa mga karelasyon niya habang ongoing pa ang relasyon at aamin lang kapag tapos na?

"Siguro kung kami ‘tapos hindi niya inamin, I will be affected," sabi ng dalaga. "Hindi naman ako nagtanong sa kanya about his past relationship. I'm not the type who asks. For me, kung inamin man niya o hindi, wala naman akong kinalaman doon. Past is past."



Hindi ba siya nagwo-worry na gawin din sa kanya ni John ang pangde-dedma sa mga nakarelasyon dati kapag nag-break na sila?

"Kapag ganun ang nangyari, siyempre ayoko naman ng ganun, di ba? Pero yun nga po, I will be affected kung kami. At ayoko namang pakialaman yung ugali ng tao," pahayag ni Shaina.

Continue reading below ↓



Boto ba ang kapatid niyang si Vina Morales kay John?



"Not particularly kay John," sambit ng young actress. "Si Ate, kung before nangingialam siya, now, kung sino na lang yung magiging mabuti sa akin. Hindi ako sisiraan, hindi ako babastusin, nirerespeto ako at ang pamilya ko, at hindi ako soshowbisin. Dun boto si Ate."



Mas boto raw si Vina kay Rayver kesa kay John para sa kanya. Ano ang masasabi ni Shaina rito?



"Well, that's her opinion," maikli niyang sagot.



Importante ba para kay Shaina kung sino ang gusto ng Ate niya para sa kanya?



"Of course, she's my sister," sagot ng dalaga. "‘Tsaka she knows better. Makikita naman niya kung sino yung sasaktan ako at hindi. Kung sino yung sincere sa akin. So, maganda na nakapalibot sa akin ang pamilya ko para bigyan nila ako ng opinion."



MARIAN RIVERA. Sa poster ng pelikulang Bahay Kubo ay nauna ang pangalan ni Marian Rivera kay Shaina. Ano ang reaksiyon ni Shaina rito?

Continue reading below ↓



"Oo nga, ‘no?" sabi ni Shaina pagkatapos mapansin ang poster. "Hindi ko napansin... Ah, wala po sa akin ‘yon. I think more than that, kailangan kong mas pansinin ang performance ko sa movie than the billing. ‘Tsaka desisyon po ng Regal ‘yon. Siguro dapat bago ko pakialaman yung ibang tao, pakialaman ko muna ang sarili ko at ang performance ko."

Kumusta sila ni Marian sa set ng Bahay Kubo?



"Well, nung una, since magkaiba nga po ang [TV] station namin and first time naming mag-meet, siyempre po may ilangan. Not because kasama kami doon sa war ng network, but because it's the first time na nagkita kaming dalawa. Ako, tahimik lang ako. Ayoko ng feeling close. Baka ayaw rin nila ng ganun, di ba? So, tahimk lang ako.

"But after ng sampalan namin, doon lang kami nag-usap kasi nag-sorry siya sa akin, nag-sorry ako sa kanya. ‘Tapos niyakap niya ako. ‘Tapos hanggang... From doon, naging maganda ang conversation namin, naging tuluy-tuloy na ang conversation namin," kuwento ni Shaina.

Continue reading below ↓



Ilang beses silang nagsampalan ni Marian?



"Tatlong beses kasi tatlong anggulo," sagot ng dalaga. "Kasi nung una pong take, parang dampi lang yung ginawa niya sa akin. ‘Tsaka dampi lang ang ginawa ko sa kanya. Pero sumigaw si Direk Joel [Lamangan], ‘Slap her!' E, di siyempre kaming dalawa, na-tense kami baka mamaya murahin kami ni Direk Joel. Gusto niya totoo talaga. E, di ‘yon, nagkatotoo at nagkasabunutan pa kaming dalawa."



Umiyak siya?



"Opo, kaming dalawa [ni Marian]. Kasi masakit, tatlong beses. Kasi after ng take na 'to, dito naman sa shot na 'to. So, paulit-ulit ng tatlong beses yung sampal ko sa kanya at sampal niya sa akin. May mark nga kami sa mukha!" natatawang lahad ni Shaina.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"That's very clear na meron namang project si Rayver next year and ako may project will be with Papa P [Piolo] para naman... Kasi mahirap po kapag lumaki sa showbiz, parang ang tingin sa ‘yo ng mga tao yun pa rin. So, gusto po ng management na parang ipa-mature na yung role ko," explains Shaina Magdayao about the temporary breakup of her loveteam with Rayver Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results