Bong Revilla on Edu Manzano: "Pinatawad ko na siya."

IMAGE 0


"Tama na yung manahimik kaming pareho. That's the best thing to do para wala nang sakitan kasi magbabatuhan kaming dalawa. Mag-e-explain siya, mag-e-explain ako. Walang katapusan iyan, e. Magmumukha lang kaming mga bata. Magbabangayan kami nang magbabangayan. It's not healthy for the industry. It's not healthy for me. Ang matutuwa lang dito is yung mga pirata," says Senator Bong Revilla (left) about his spat with OMB Chairman Edu Manzano (right).


Kahit na inaatake siya ng migraine ay pinaunlakan ni Senator Bong Revilla ang showbiz talk show ng GMA-7 na StarTalk kahapon, December 8, upang magpaliwanag ng kanyang panig tungkol sa iringan nila ni Optical Media Board (OMB) Chairman Edu Manzano.

Matatandaang hindi nagkaunawan ng dalawang aktor, na kapwa opisyal ng gobyerno, noong may isinagawang raid si Senator Revilla sa Makati Cinema Square noong nakaraang Martes, December 4, nang hindi kasama si Chairman Manzano. Nagpalitan ng mga maaahang na salita ang magkabilang kampo tungkol sa kani-kanilang mga trabaho.

Pero ayon kay Bong, hindi sana mangyayari ito kung nakapag-usap sila ni Edu.

"Talagang it's just a matter of miscommunication. Actually, kung dumating noon si Chairman Edu, sa tingin ko walang naging ganito. O kaya one phone call away, tinawag niya ako, ‘Senator Bong, pasensiya ka na. Ganito, huwag na lang tayo pumunta sa Quiapo.' Pero wala. I was calling him. Patay yung cellphone," lahad ni Bong

Nilinaw naman ni Bong ang lumabas na report na pinababa niya lang diumano ang mga na-raid na mga pirated DVD para magpa-photo op, pero hindi raw naman talaga na-raid ang mga naturang mga pirated DVD.

"Alam mo, maraming mga camera doon... Channel 7, Channel 2... Nakatutok sa akin 'yon all the while. Hindi ko pinababa ‘yon. Pumunta lang ako doon, kasi nakababa na 'yon doon. It's my obligation to check. Kailangan ko kasi, I have to see kung ano yung mga na-confiscate nila. Yun lang 'yon."

Pagpapatuloy niya, "I am here to help. Hindi para manggulo. I'm here to support him. I'm here to help the industry in my capacity as a senator and at the same time as chairman of the Congressional Oversight Committee. Sakop ko ang OMB. At alam ko, alam 'yon ni Chairman Manzano."

Ipinaliwanag din ni Bong ang naging pahayag niya na may "mole" sa OMB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The main reason kung bakit ko pinuna, yung sinabi ko na may mole, dahil yun ay parang payo, hindi para siraan siya [Edu] saka siraan ang OMB. Maski noong panahon ko, merong mole during the VRB [Videogram Regulatory Board] days. Yun yung hinahanap ko. Ipapasibak ko 'yon, of course. Hindi pupuwede sa akin 'yon. And I'm sure siya, yun din ang gagawin niya kaya sinabi ko during that operation na hindi gano'n ka-successful kasi merong mole.

"Siguro, ang dating, ang report sa kanya, iba ang naging dating. So, it's a matter of miscommunication," ulit ni Bong.

Kuwento pa ni Bong na ang kapwa senador at kaibigan niya na si Jinggoy Estrada ang nagpapayo sa kanya na ayusin ang gusto nila ni Edu.

Kuwento ni Bong, "Nagkausap kami ni Senator Jinggoy, two nights or three nights ago. Hindi na talaga ako nagsalita, e. In fact, sabi ko kay Senator, hindi na ako nagsalita since then. Sabi ko kay Senator Jinggoy, ‘ Pare, hindi na ako magsasalita against Edu. Kahit anong... Hindi ako magsasalita ng masama.' Basta ang ano ko lang naman is for the industry. In fact, ito ginagawa ko, gusto ko lang makatulong din sa kanya. Siguro iba lang ang dating."

Tinanong si Bong ng StarTalk co-host Butch Francsico kung may posibilidad ba na magkabati sila ni Edu bago mag-Pasko.

"Sa akin nga, as I have said, walang problema sa akin," sagot niya. "Pero ganun pa man, kung anuman yung nangyari, e, kinalimutan ko na 'yon. Masakit man yung mga binitawan niyang salita, pinatawad ko na siya. For the spirit of Christmas, kalimutan na natin 'yon. Pagtulungan natin kung ano ang makakabuti para sa industriya natin na kung saan pareho tayong galing. Na utang natin sa industriyang ito kung ano ang kinalalagyan natin ngayon.

"Buhay ko, itinaya ko dito. Buhay mo, itinataya mo din dito. Huwag natin sayangin kung anuman ang sinimulan natin. Let's work together para sa ikabubuti ng industriyang ito. Hindi natin kailangan mag-away. Matapang ka, kilala kita. Matapang din ako. Hindi tayo magkalaban, magkakampi tayo. Ang kalaban natin, pirata. Yun ang durugin natin," huling panawagan ni Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN