Alfred Vargas cites "lack of time" as reason for breakup with LJ Reyes

Dec 9, 2007
"Wala po kaming pinag-awayan. Nagkapatong-patong na lang talaga ang pagkukulang namin sa isa't isa due to lack of time. Busy po kami pareho," explains Alfred Vargas about his breakup with girlfriend LJ Reyes.

Kahit na nakangiti habang kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay halata ang lungkot sa mga mata ng sexy actor na si Alfred Vargas sa presscon ng Banal noong December 7. Of course, ang main reason ng lungkot ni Alfred ay ang tuluyang paghihiwalay nila ng naging girlfriend niya for one year and four months na si LJ Reyes.

"Nag-decide na po kaming maging friends na lang ni LJ," pagbabalita ni Alfred.

"Wala po kaming pinag-awayan," paglilinaw ng sexy actor. "Nagkapatong-patong na lang talaga ang pagkukulang namin sa isa't isa due to lack of time. Busy po kami pareho. Si LJ, may Zaido sa GMA-7 at Camera Café sa QTV 11, at tuloy rin siya sa studies niya sa La Salle University.

"Ako naman, may Nuts Entertainment at My Only Love, na hahaba pa yata ang exposure ko kasi daw po, bukod sa nakikita nila akong umarte, nagpapakita pa ako ng katawan ko. Mabuti nga po't tapos na itong Banal, pero tutok naman ako ngayon sa business ko."

Continue reading below ↓

Very proud si Alfred sa itinayo niyang negosyo.

"Itinayo namin ng best friend at kaklase ko noon sa Ateneo University ang Best Fred's Barbecue, beside Sta. Lucia Mall sa Cainta. Basta libre ako, nagbabantay din ako doon. Malakas po ang demand kaya baka gawin na naming 24 hours na itong open. Maliit lang po ‘yong place, inuupahan po namin yung lugar. May mga humihingi po ng beer, pero hindi kami naglagay. Palamig lang at softdrinks ang ibinibenta namin. Ilalagay na rin namin ang Lotto outlet sa tabi nito, nililinis lang muna namin," paglalarawan ni Alfred sa itinayo niyang negosyo.

Nagtapos si Alfred ng Management and Economics sa Ateneo University. Ang kaibigan daw niya ang in-charge sa operations ng kanilang negosyo, at ang sexy actor naman ang in-charge sa marketing and expansion.

OFFBEAT ROLE. Tungkol sa bida-kontrabida role niya sa Banal, sinabi ni Alfred na pinag-aralan niyang mabuti ang role niya. Nagbawas din siya ng 15 lbs. para bumagay sa character niya. Iniba rin niya ang accent ng pagsasalita niya, at hindi raw si Alfred ang mapapanood sa pelikula kundi ang kurakot na pulis na si Jason Cruz.

Continue reading below ↓

Although second time na niyang nakasama sa movie si Christopher de Leon, idol pa rin ni Alfred ang tinaguriang Drama King.

"He is the perfect example of a very professional actor. Never siyang na-late sa shooting, laging malinis sa katawan, handa sa kanyang mga eksena, and he makes everyone feel comfortable. Wala siyang ere ng isang sikat na aktor," papuri ni Alfred kay Boyet.

Any new project for 2008?

"After po ng My Only Love, may gagawin daw ako for primetime slot sa GMA-7. Bahala po ang manager ko, si 'Nay Lolit [Solis]. Pero may nagsabi po sa akin na bigyan ko muna ng time ang career at business ko, wala na raw munang lovelife. Yes, saka na po ang lovelife kasi talagang kaawa-awa lang ang magiging girlfriend ko kung hindi ko siya mabibigyan ng attention. Siguro po, darating din ang right girl na para talaga sa akin," pagtatapos ni Alfred.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala po kaming pinag-awayan. Nagkapatong-patong na lang talaga ang pagkukulang namin sa isa't isa due to lack of time. Busy po kami pareho," explains Alfred Vargas about his breakup with girlfriend LJ Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results