Dennis Trillo's Christmas wish: Quality time with son Calix Andreas

Dec 10, 2007
Carlene Aguilar warns Dennis Trillo about his decision to stay single. She says, "Yung sinasabi niyang single muna, let's wait and see. Sana galingan niyang magtago."

Sa kabila ng pagbabati nina Cristine Reyes at Carlene Aguilar, tila hindi naman matapus-tapos ang isyu sa pagitan nina Carlene at dati nitong boyfriend na si Dennis Trillo—na siya ring ama ng kanyang anak na si Calix Andreas.

Kamakailan lang, kinumpirma ni Dennis na hindi siya pinapayagan ni Carlene na makita ang kanilang anak.

Sa taped interview ng The Buzz kahapon, December 9, sinabi ni Dennis, "Siyempre, hirap akong makabisita doon. Siyempre, gusto kong ma-experience din ng parents ko na makita din ang apo nila."

Malungkot din niyang hiniling na sana makasama niya ang kanyang anak sa darating na Pasko. "Sana makasama ko yung anak ko sa Christmas, kahit sandali. Kahit ano, kahit na Christmas eve or kahit kinabukasan na ng Christmas. Basta yun lang, gusto ko lang ma-spend yung kahit konting quality time [with him]."

Bunsod ng mga pangyayari, minabuti ni Dennis na putulin na lamang ang ugnayan nila ng young actress na si Crisitne. Aniya, "Kailangan minsan, may kailangan ka talagang i-sacrifice. Pero friends pa rin naman, e, mayroon pa rin naman kaming pinagsamahang dalawa and gusto ko na mag-remain na ganun talaga."

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, napagdesisyunan na rin niya na umiwas munang maiugnay sa kahit kaninong babae upang hindi na maulit ang mga pangyayari sa pagitan nina Cristine at Carlene.

Paliwanag ng aktor, "Para maging wala nang gulo, naramdaman ko na kailangan kong huwag munang ma-identify sa kahit kanino. Concentrate lang muna sa anak kapag nagkaroon na ako ng time na makita ko siya."

At ang kanyang hiling sa pagkakabati nina Cristine at Carlene: "Sana maging masaya sila pareho. Ngayon, mag-move on na tayo, panibagong chapter ng buhay."

Samantala, taliwas naman ang nakuhang impormasyon ng The Buzz ukol sa pagnanais ng aktor na makita ang kanyang anak. Ayon sa reliable source ng The Buzz, wala naman daw effort si Dennis hanggang sa ngayon para makita o makasama ang kanyang anak.

Continue reading below ↓
Matapos ang taped interview, ibinigay naman ng The Buzz ang naging reaksiyon ni Carlene sa maikling interview kay Dennis. Ang mensahe ni Carlene sa dating kasintahan, "Unang-una, maging mabuti siyang example sa anak namin, mahalin niya at ayusin niya ang sarili niya. Pangalawa, huwag siyang magbitaw ng mga salita na hindi niya kayang panindigan. Yung sinasabi niyang single muna, let's wait and see. Sana galingan niyang magtago."
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlene Aguilar warns Dennis Trillo about his decision to stay single. She says, "Yung sinasabi niyang single muna, let's wait and see. Sana galingan niyang magtago."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results