Lucy Torres-Gomez's birthday wish is to have another baby

IMAGE 0


"Everyone knows na matagal na naming gusto ni Goma na masundan siJuliana and hindi pa rin naman kami naggi-give up.I know that God willsoon bless us with a baby and we are willing to wait for that," says Lucy Torres-Gomez about wanting to have another baby.



Binigyan ng three-day birthday special ng lifestyle show na The Sweet Life ng QTV 11 ang kanilang host na si Lucy Torres-Gomez. Nagsimula ito kahapon, December 10, at magtatapos bukas, December 12. Her actual birthday is today, December 11.



Sa naturang three-day birthday special, ang mister ni Lucy na si Richard Gomez ang siyang nagdirek ng mga episode. Isa raw ito sa mga regalo na ibinigay ng aktor sa kanyang misis at impressed na impressed na raw si Goma sa mahusay na paghu-host ni Lucy ng The Sweet Life.



Ang mga naging happenings sa birthday special ni Lucy ay isang live auction ng mga gamit ng mga sikat na celebrities—Regine Velasquez, Ruffa Gutierrez, Kris Aquino, Carmina Villarroel, Janice de Belen, Gelli de Belen, Jaya, Gretchen Barretto, at marami pang iba. The items auctioned consist of gowns, bags, dresses, bags, accessories, books, and other one-of-a-kind memorabilia. Ang kinita sa auction na ito ay ido-donate ng The Sweet Life sa Philippine Red Cross, na aktibong tinutulungan ni Lucy.



Umawit din ang isa sa favorite balladeer ni Lucy na si Christian Bautista. Aminado si Lucy na paborito niya ang lahat ng mga naging hit singles ni Christian.



Tinanong si Lucy sa kanyang show kung ano ang birthday wishes niya. Isa nga rito ay ang magkaroon na ng kapatid ang kanilang panganay na si Juliana. Pero patuloy pa ring sinusubukan nina Lucy at Goma na makabuo ng bagong baby.

Isa raw ito sa mga frustrations ni Lucy, pero may natutunan daw siyang isang important lesson sa nangyayaring ito sa pamilya nila.



"God has taught me to be patient," nakangiting sabi ni Lucy. "Everyone knows na matagal na naming gusto ni Goma na masundan si Juliana and hindi pa rin naman kami naggi-give up.I know that God will soon bless us with a baby and we are willing to wait for that. Kung kailan Niya kami gustong magka-baby ulit, yun ang masusunod. His time is the right time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN