Christian Bautista avoids talking about breakup with Rachelle Ann Go

IMAGE 0


"We both decided and promised each other na huwag na lang magsalita tungkol sa breakup. We want the issue to die down naturally," explains Christian Bautista about his recent breakup with girlfriend Rachelle Ann Go.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer na si Christian Bautista sa 1st Songhits Awards last December 5 sa lobby ng Cinema 5 ng Robinsons Galleria, Quezon City. Ramdam namin na medyo malungkot at dinaramdam pa rin ni Christian ang breakup nila ng kanyang girlfriend na si Rachelle Ann Go.

Almost one month nang hiwalay sina Christian and Rachelle and more than a year ding nagtagal ang kanilang relasyon. Base sa mga naglabasang balita ay wala naman daw third party involved sa hiwalayan nila. First girlfriend ni Christian si Rachelle kaya still mending a broken heart siya ngayon.



Kumusta na sila ngayon ng ex-girlfriend lalo't nalalapit na ang Christmas?



"We'd rather not talk about that," pag-iwas ni Christian. "We're friends pa rin naman kasi. We both decided and promised each other na huwag na lang magsalita tungkol sa breakup. We want the issue to die down naturally. Ayaw na naming mag-ingay about it. We don't want to expound on things. If I say something, mas lalaki pa. The less I say, mas magiging mabuti for us. So I really apologize."

Nakiusap nga ang singer na huwag na raw naming ungkatin pa ang tungkol sa breakup nila ni Rachelle dahil hindi raw ganoon kadali ang kanyang pinagdaraanan. Sana raw ay maintindihan at irespeto siya sa desisyon niyang huwag nang magbigay ng anumang komento ukol sa hiwalayan nila.



Sa mga pahayag ng binata, obvious na hindi pa ito ready to fall in love again.



"Not yet," sagot agad ni Christian.



Ibig bang sabihin nito ay may second chance pa sa kanila ni Rachelle?



"There's always a chance," sambit niya.



With regards to Christian's career, he's hoping to do a movie again and hopefully a teleserye in 2008. Plus, of course, several albums and shows/concerts here and abroad na naka-line up sa kanya.



"I did Mano Po 5 with Angel Locsin and Richard Gutierrez before and last ko yung Kampanerang Kuba with Anne Curtis. Sana nga magkaroon ulit. I enjoy acting also kasi. I'll be doing new albums also and a lot of shows and concerts here and abroad, " sabi ng itinanghal na Best Male Recording Artist sa 1st Songhits Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



This Christmas, sa Cavite raw magse-celebrate si Christian, kasama ang kanyang family. Lagi naman daw big Christmas celebration ito sa kanila at ang kaibahan nga lang ngayon ay hindi niya kapiling ang kanyang dating girlfriend na si Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN