Timely birthday gift for Yeng Constantino

IMAGE 0


Yeng Constantino celebrated her 19th birthday last December 4 and on the following day, December 5, she won two awards at the 1st Songhits Awards.



Magandang birthday gift for singer Yeng Constantino—who just turned a year older last December 4—ang natanggap na dalawang tropeyo as Best New Artist at Top 40 Brand Award sa 1st Songhits Awards na ginanap noong December 5 sa Cinema 5 ng Robinsons Galleria, Quezon City.



"Excited nga po talaga akong um-attend ng awards night na ito dahil gaya ng avid readers, naging fanatic din ako ng mga songhits especially when I was just starting as a singer. Nakakatuwa dahil this time, ako na ang nabibigyan ng award. Salamat sa lahat ng bumoto sa akin," pahayag ni Yeng na sobrang overwhelmed sa award na ipinagkaloob sa kanya.



Since katatapos lang ng 19th birthday niya last December 4, paano niya ito isinelebrate?



"Nagpunta kami ng family ko sa Tagaytay, sa Picnic Grove sa tapat mismo ng bulkan [Taal Volcano]. Sa overlooking, nagkainan kami, ganun lang, bonding kaming lahat. Ang saya ko! Sayang nga lang dahil pumunta rin kami ng Enchanted Kingdom, pero sarado nung araw na 'yon, e. Gusto ko sanang mag-rides doon, e, next time siguro," kuwento ni Yeng.



Noong birthday raw niya ay binigyan siya ng flowers (red and white roses) ni Jay-R Siaboc at si RJ Jimenez naman ay nagpadala rin daw ng cake sa kanya. Kasama dati ni Yeng sa Pinoy Dream Academy ang dalawang nabanggit na binata.

Tungkol sa kanyang lovelife, sinabi ni Yeng na wala pa siyang special someone ngayon, pero colorful naman daw ang kanyang buhay kahit walang boyfriend. Inspirado naman daw siya lagi.

This year, sobrang thankful si Yeng dahil nabigyan siya ng portion sa ASAP '07, ang "Y Republic," kung saan nakaka-jamming niya ang hottest local bands at mga paborito niyang singers.



"Flattered ako dahil nabigyan ako ng portion sa ASAP ng ganito," sambit ng young singer. "Ang sarap ng pakiramdam na makasama sa isang number ang mga iniidolo kong banda at singers. Malaking tulong din sa akin ang ASAP. Ang gandang exposure nito sa akin dahil nagkakaroon pa ako ng mga shows abroad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN