Christian Bautista's camp denies spreading rumors attacking Rachelle Ann Go

Dec 12, 2007
Blind item reports that clearly point to ex-couple Rachelle Ann Go and Christian Bautista are now circulating. According to the reports, Rachelle's alleged bad ways caused the breakup of the singing idols.


Maraming mga fans nina Christian Bautista at Rachelle Ann Go ang nagulat sa breakup ng dalawang singing idols matapos ang mahigit isang taon na pagiging magkasintahan.

Pero mas nakakagulat ang mga naglalabasang blind items ngayon na tinitira at sinisiraan si Rachelle. Sinasabi sa mga nasusulat na hindi na raw nakayanan ni Christian ang hindi magandang ugali ng ex-girlfriend nito kaya ito nakipag-break sa dalaga.

Bago pa raw ang huling U.S. tour nina Rachelle at Christian ay nagkakalabuan na ang dalawa. Kaya pagbalik nila mula sa kanilang huling trip abroad ay nag-decide na silang mag-split.

Mutual decision naman ang desisyon nilang 'yon. Kapwa sila nag-issue ng statements na they will remain as friends at walang third party na involved sa kanilang paghihiwalay. Lumabas ang statement ni Christian sa column ni Ricky Lo, samantalang sa column naman ni Dolly Anne Carvajal lumabas ang statement from Rachelle.

Heto ang statement na ipinadala ni Christian kay Ricky Lo:

Continue reading below ↓

"Both of us are friends now. We are in good terms. There is no third party. We tried to give our best to stay together but there were just misunderstandings and differences that we couldn't work out up to now. That is why we mutually decided to give the relationship a rest."

Kaya naman nakakagulat ang mga blind items na naglalabasan kung saan dini-discredit si Rachelle. May issue na binabastos diumano ni Rachelle si Christian at insecure daw ito sa kanya.

Ayon sa isang source na ayaw magpabanggit ng pangalan, parang gusto niyang tukuyin na kay Christian nanggaling ang mga negative write-ups. Hindi namin alam kung ano ang kanyang motibo to come up with such conclusion, pero naaawa raw siya kay Rachelle dahil siya ang pinalalabas na masama.

"Kung mutual decision naman nila ang paghihiwalay, bakit may mga negative issues na lumalabas at si Rachelle lang ang pinalalabas na may kasalanan? Unfair naman ‘yon kay Rachelle," pahayag ng aming source.

Continue reading below ↓

Kung mutual decision nga ang kanilang paghihiwalay at hindi career move, nariyan pa rin ang tanong kung bakit may naninira kay Rachelle. Ayon pa sa aming source, umiyak daw si Rachelle nang makarating sa kanya ang paninira. Pero ang advice daw sa kanya ng mga magulang ay huwag na lang siyang magsalita.

Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Oliver Oliveros, publicist ni Christian, at sinabi nito na nalulungkot ang singing idol sa nangyari. Tahasan naming tinanong kay Oliver kung may kinalaman ba si Christian sa lumalabas na tsismis tungkol sa kanila ni Rachelle.

"None at masamang manira ng tao," diin ni Oliver. "Isa pa, kaibigan ko si Rachelle kaya walang katotohanan na may kinalaman si Christian sa mga blind items na ‘yan."

In fact, binanggit ni Oliver na kinausap siya ni Christian para ihinga ang nararamdaman nito sa isyu. Hindi raw alam ni Christian kung saan nanggagaling ang tsismis, pero definitely hindi raw sa kanya.

Continue reading below ↓

Nagpadala rin si Christian ng text message isa isang kolumnista na isa sa nagsulat ng nasabing blind item sa kanyang column. Ayon sa column, galing sa text message ang info na kanyang isinulat.

Sa kanyang text message sa kolumnista, sinabi ni Christian na hindi magagawa ni Rachelle ang mga ibinibintang sa kanya. Mabuting tao raw si Rachelle at hindi rin daw insecure ang dalaga kay Christian.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Blind item reports that clearly point to ex-couple Rachelle Ann Go and Christian Bautista are now circulating. According to the reports, Rachelle's alleged bad ways caused the breakup of the singing idols.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results