Ogie Alcasid plans Christmas trip to Australia with Regine

IMAGE 0


"Mas nararamdaman ko ngayon ang pagtanggap. Hindi ko iniisip na maynegative effect sa career namin ang nangyayari. In this connection, Iam not underestimating the capability of our audiences to think," says Ogie Alcasid about his relationship with Regine Velasquez.



Nakatutuwang obserbahan sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Bubble Gang Christmas party sa Filmex studios kagabi, December 10. Mukhang wala nang makapipigil sa dalawa sa paghantad bilang lovers mula nang isapubliko na nila ang kanilang relasyon.

Tahasang itinanggi ng singer-composer ang hindi parin mamatay-matay na balita na buntis na raw ang kasintahan niya. Ayon kay Ogie, medyo nag-gain lang daw ng weight angAsia's Songbird.

CHRISTMAS IN AUSTRALIA. Kung hindi mababago, plano nilang magtungo sa Australia this Christmas.



"Kung maaayos ang schedule, gusto naming makapagbakasyon sa Australia," sabi ni Ogie. "Ang original plan ko ay dalawin talaga ang mga anak ko doon nang nag-iisa, pero kung okay kay Reg [palayaw ni Regine], isasama ko siya.



"Sasama siya dahil alam niyang welcome naman siya doon. Nag-uusap sila ni Michelle [Van Eimeren, Ogie's wife]. May kanya-kanya na kaming buhay, at maayos ang sitwasyon. Naiintindihan lahat 'yon ni Michelle, kahit ang ibang mga tao ang hindi makaintindi."

Isa ito sa Kapaskuhang talagang damang-dama ni Ogie ang kaligayahan. Malaya silang nakahahantad ni Regine, despite criticisms.



Ayon kay Ogie, "Hindi ko naman puwedeng sisihin yung mga taong hindi makaintindi, o ayaw talagang maunawaan ang aming sitwasyon. Okey rin lang 'yon. May opinyon sila, and that's just fine.



"Pero mas nararamdaman ko ngayon ang pagtanggap. Hindi ko iniisip na may negative effect sa career namin ang nangyayari. In this connection, I am not underestimating the capability of our audiences to think," lahad pa niya.



Naniniwala si Ogie na ang mga tumatangkilik sa kanila ni Regine ay hindi ang mga taong interesado lang sa kanilang personal life.



Paliwanag niya, "Naririto pa rin kami, sa palagay ko, kasi nagugustuhan ng mga tao ang ginagawa namin, naaaliw sila. Pinagbubuti namin ang performances namin sa shows, pelikula at concerts. Inaayos namin ang trabaho namin para sa kasiyahan nila

"Mas mahalaga sa amin yung tintangkilik nila kami. Gumagastos sila dahil sa talent namin at pinagpapaguran para lang mabigyan sila ng kasiyahan. Yun ang sukatan namin ni Reg diyan. At the end of the day, 'yan ang magiging sukatan ng ilalagi namin sa showbiz. Not because of what we did in our personal lives."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Noong huling pagdalaw ni Ogie sa Australia, sabi niya, mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy. Parang hindi naman daw iniinda ng publiko ang naganap sa kanila ni Michelle at ang tuluyang pagkakahantad na ng relasyon nila ni Regine.



"Honestly, yun ang nararamdaman ko," sambit ni Ogie. "Mayroon sigurong iilan na parang bitter sa nangyari sa amin ni Michelle, for whatever reason. Pero ang mahalaga na lang sa akin, yung naiintindihan ako ng aking ex-wife, at nagtutulong kami para matanggap ng mga anak namin yung sitwasyon."

MICHELLE'S PRIVATE LIFE. Pero gaano katotoo na kaya raw ganoon na lang ang pagtanggap ni Michelle sa sitwasyon ay dahil nauna pa itong nagkaroon ng kaugnayan sa ibang lalaki? Ayon sa balita, mayroon na raw itong kinakasamang Australian guy.



"Sa bagay na 'yan, ayoko nang mag-comment," pakiusap ni Ogie. "Huwag na, kasi nag-decide na si Michelle na maging pangkaraniwang tao na lang. Lumayo na nga siya para hindi na madamay sa ganyan. Private life na niya 'yon. Kung anuman ang alam ko, it's just proper na hindi na ako magsalita o mag-comment."



NO WEDDING YET. Kinumusta rin namin kay Ogie ang balak nilang pagpapakasal ni Regine. Malabo raw ito sa puntong ito.



"Alam mo rin siguro ang complications, kasi hindi pa annulled ang kasal namin ni Michelle," paliwanag ng singer-comedian. "Kaya nga, kung minsan, umiiwas na akong magsalita. Advice sa amin 'yan ng legal counsel, kung gusto naming mapadali ang annulment case.



"Definitely, kapag ganito ang sitwasyon namin, hindi talaga pupuwedeng magplano ng kasal. But I have been doing my best para maayos ang tungkol sa bagay na 'yan," pahayag ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN