Jennylyn Mercado out, Lian Paz in at Mark Herras's birthday concert

Dec 13, 2007
Mark Herras will celebrate his 21st birthday tomorrow, December 14, with a dance concert at the Music Museum. One of his guests is girlfriend Lian Paz (inset, top); former flame Jennylyn Mercado (inset, bottom) will not be on the show.


Turning 21 ang first StarStruck Male Survivor na si Mark Herras this Friday, December 14. To celebrate, he will perform at his concert—BAD (Bump And Dance): The Mark Herras Birthday Concert—at the Music Museum.

Nagbigay ng isang mini-presscon ang GMA Artist Center last Tuesday, December 11, sa Timog Avenue for this event. But the night before, December 10, nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa Station 168 Internet Café. sa Tomas Morato. At that time, kagagaling niya lang sa rehearsal for the concert sa GMA Network at nagpapahinga lang siya bago umuwi.

Kuwento ni Mark, hindi lang hip-hop ang isasayaw niya sa concert. Mag-e-experiment din siya ng iba't ibang klaseng dance.

We asked Mark kung sinu-sino ang mga guests niya and he mentioned his girlfriend EB Babe member Lian Paz, ang partner niya sa My Only Love na si Rhian Ramos, ang best friend niyang si Rainier Castillo and original StarStruck partner Yasmien Kurdi, at sina Wally at Jose ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Dahil three of original Final Four ng StarStruck ang magkakasama sa gabing iyon, tinanong namin si Mark kung sasali rin ba si Jennylyn either as special guest or kahit sa audience man lang.

"Hindi po," simpleng sagot ni Mark.

Noong preparation pa lang kasi ng concert, tinanong na raw ni Mark ang common handler nila ni Jennylyn sa GMA Artist Center kung pupuwede sa araw na ‘yon si Jennylyn.

"May taping siya the whole day ng La Vendetta, so hindi ko na po siya tinanong kung pupuwede siya," paliwanag ng young actor.

Dagdag namin, kung gugustuhin niya, puwede niya namang yayain nang personal si Jennylyn, being a former flame at birthday niya naman.

Hindi na ito sinagot ni Mark dahil bukod sa mayroon na rin namang boyfriend si Jennylyn na si Patrick Garcia, nasa show naman ang bagong girlfriend ni Mark na si Lian.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras will celebrate his 21st birthday tomorrow, December 14, with a dance concert at the Music Museum. One of his guests is girlfriend Lian Paz (inset, top); former flame Jennylyn Mercado (inset, bottom) will not be on the show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results