Vicky Morales ecstatic over her pregnancy!

IMAGE 0


GMA-7 newscaster and Wish Ko Lang host Vicky Morales has been married for six years, but it is only now that she and husband King Reyno have been blessed with not just one but two babies! Yes, Vicky is now five-months pregnant with twins.



Finally, newscaster and Wish Ko Lang host Vicky Morales is now five months pregnant—after six long years of marriage!



"My wish finally came true!" bulalas ni Vicky nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone. Halata ang pagka-excited ni Vicky dahil anim na mahabang taon nga ang kanyang binilang bago biyayaan ng Panginoon ng baby.



Ang kanyang lawyer husband na si King Reyno ay equally excited dahil finally ay nagbunga na rin ang pagmamahalan nilang mag-asawa. And yes, "doble" ang tuwa ni Vicky dahil kambal ang pinagbubuntis niya.



Last November 18, sa 21st Star Awards for Television ay nanalo uli si Vicky as Best Public Service Host for Wish Ko Lang. Ikatlong taon na itong pagkakapanalo ni Vicky for the said category—as in three consecutive years—at pangatlong beses rin siyang hindi nakadalo sa nasabing awards night ng PMPC.



"I was really about to go sa awards night, nagpatahi pa nga ako ng damit, e," kuwento ni Vicky. "Pero talagang ang bigat ng feeling ng katawan ko that night, para akong may migraine, na hindi lang ulo ko ang masakit kundi pati ang butt ko at para akong may stiff neck.

"I gained 20 pounds nga, e. Nagpamasahe pa ako a day before the awards night [home service], hindi ko alam kung nakasama pa 'yon. So, ayun, habang nagbe-bed rest ako, kahit I really wanted to go sa Star Awards, nagi-guilty na lang ako at wala ako doon, and I won pa!"



Hindi naman daw niya sinasadya ang hindi niya pagdating for the third time. Nagkataon lang daw na sensitive ang pregnancy niya.

"Please say my apologies to the PMPC officers and members," pahatid ni Vicky, na kahit sa last few days niya sa Saksi ay nagpasalamat siya on air sa PMPC.



Paliwanag pa ni Vicky, last year daw ay hindi siya napadalhan ng invitation ng Star Awards kaya wala siya at noong 2005 naman ay may trabaho siya't naka-live on air.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm a graduate of Ateneo, batch 1990, kaya I wanted talaga sana to see my alma mater. Lalo na ang Henry Lee Irwin Theatre kung saan ginawa ang awards night dahil noong panahon namin sa Ateneo ay buluk-bulok pa ang theater na 'yon! 1990's pa nung huli akong tumapak sa school namin," balik-tanaw ng newscaster.



Ayon kay Vicky, ang first three months ng pagdadalantao niya ay "very critical stage" dahil dito maaaring magkaroon siya ng miscarriage.



"I had regular injections sa butt, pampakapit daw sa baby. Normal naman daw ang reproductive system ko, sabi ng doctor ko, pero meron lang percentage ng unexplained infertility among couples," sabi ni Vicky.

"Double luck and doble rin ang happiness ko. Hindi lang sa third trophy ko from the PMPC, kundi finally, my wish came true-a real-life trophy, my twins!" walang pagsidlan na pahayag ni Vicky.



Simula noong pumasok ang Disyembre ay on maternity leave na si Vicky at pinalitan muna siya ni Pia Arcanghel sa Saksi, kasama pa rin si Arnold Clavio. Si Pia ay news anchor din ng Balitanghali, noontime news program ng QTV 11, kasama si Ivan Mayrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN