Dingdong Dantes throws thanksgiving party for the press

by Rose Garcia
Dec 15, 2007
Dingdong Dantes threw a thanksgiving-Christmas party for the press yesterday, December 14, at the Centerstage KTV and Circle Café in Quezon City.


Isang thanksgiving party para sa entertainment press ang ginawa ni Dingdong Dantes kahapon, December 14, sa Centerstage, ang bagong bukas na restaurant sa may Tomas Morato Circle, Quezon City. Ang bidang lalaki ng Marimar ang co-owner ng Centerstage KTV and Circle Café kasama ang girlfriend niya na si Karylle.

Talagang bumaha ng napakarami at mamahaling appliances bilang mga raffle prizes na pinamigay ni Dingdong bilang paraan niya ng pasasalamat sa press. At the same time, ito ang kanyang paraan upang i-share ang magagandang blessings na natanggap niya ngayong taong ito. Halos isang milyong piso ang worth ng mga regalo na pina-raffle niya kahapon.

For the past years, madalas na talagang ginagawa ni Dingdong ang pagsi-share ng blessings niya with his fans and the less fortunate kung kaya't nagpapa-christmas party siya. Itinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Dingdong kung bakit naisipan na rin niyang magpa-party for the members of the press this year?

Continue reading below ↓

"Well, for the past years naman kasi, we always do this especially sa mga malalapit sa amin. Kami ni Karylle last year, sa mga cancer patients naman. This time, isinama ko na rin ang ilang kaibigan sa press. It's our way para maibalik sa mga tao kung anumang kaligayahan ang nakukuha namin dahil sa mga taong tumutulong sa amin."

Kung titingnan ang estado niya ngayon, tila nasa sa kanya na ang lahat. Dingdong has a very successful career with his top-rating show Marimar and his upcoming movie, the Metro Manila Film Fest entry Resiklo. Maging sa personal aspect ay maayos ang business niya at ang love life rin.

Ano pa kaya ang gustong hilingin ni Dingdong? "Lahat ng magagandang nangyayari, lahat ng dumarating, ipinagpapasalamat ko lahat. Wala na kong mahihiling, pero siyempre, with regards to my work at all, gusto kong pagbutihin pa. Magaganda naman ang lahat ng nangyayari and I thank everyone na nakakatulong para malagay ako kahit paano sa sitwasyon na ito," positibong pahayag ng aktor na gumaganap bilang Sergio Santibañez sa Marimar.

Continue reading below ↓

Hindi naman ikinaila ni Dingdong na sa ngayon, wala pa raw siyang nabibiling Christmas gift para sa girlfriend na si Karylle.

"Wala pa, kasi inuna ko muna talaga ang pagbibigay ng regalo sa mga friends ko, sa mga press people. It's because I always allot one day before Christmas para mamili sa mga loved ones ko, sa mga malapit sa akin. On the 23rd or 22nd bago mag-pasko. Meron akong isang araw para sa sarili ko para mabilhan ko silang lahat."

Kung meron man daw siyang Christmas gift for Karylle, meron din naman daw for his ka-partner in Marimar na si Marian Rivera.

"Oo siyempre at dapat maganda, bilang pasasalamat na rin sa napakagandang tandem namin. Siyempre kung sa lahat nga may gift, sa kanilang dalawa pa ba naman mawawalan?" nangingiti pang sambit niya.

UPCOMING PROJECT. On the other hand, may balitang nakarating sa PEP na hindi pa man nagtatapos ang Marimar at mahaba-haba pa ang itatagal nito sa ere, may naka-plano na nga raw na kasunod na project for Dingdong. At kung totoo rin ang balita, posibleng may pagka-romantic hero pa rin ang role niya rito.

Continue reading below ↓

Nakita raw kasi na napaka-effective ni Dingdong sa mga role na leading man material talaga at may pagka-romantic hero ang dating. Tinanong ng PEP kung anong napi-feel niya sa mga ganoong comment?

"Siyempre gusto kong isipin ‘yan," nakangiti niyang sagot. "Pero alam n'yo yung mga ganyang itinatatak sa akin eh, pampagana. Mas gugustuhin kong gumawa pa ng mas maganda kapag nababansagan ako. Pero siyempre, I really work hard for it.

"At saka siyempre, malaki ang pasasalamat ko sa Marimar dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maipakita yung ibang side ni Dingdong Dantes by portraying the character of Sergio."

Nang magpunta nga raw sila ni Marian sa Las Vegas, hindi raw inaasasahan ni Dingdong na magiging napakainit ng pagtanggap sa kanilang dalawa sa ibang bansa.

"Alam n'yo, sobrang ganda. In fact, alam n'yo kung papaano sila sobrang nae-excite sa Marimar, e, hindi ko ma-explain. Most of them, e, nanggaling pa sa iba't ibang states. Nagbiyahe sila ng ilang oras. Nagbayad sila para lang mapanood yung Kapuso Day sa Las Vegas.

Continue reading below ↓

"Ang maganda pa riyan, hindi lang yung character namin ni Marian ang kilala nila kundi lahat ng character, kilala nila. Hinahanap nila at talagang alam na alam nila ang istorya. So, that's really overwhelming na malaman na ganoon. At nakakapagbigay saya kami sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa."

In a way, na-expect niya ba na magiging ganito nga kainit ang pagtanggap sa kanya bilang si Sergio?

"No, kasi ako, kapag may pinapasok akong isang bagay, no expectation ako. Siguro one of the reasons din is, yung glory and the success ay maa-appreciate mo without expectations to begin with," rason ni Dingdong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes threw a thanksgiving-Christmas party for the press yesterday, December 14, at the Centerstage KTV and Circle Café in Quezon City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results