Eula Valdes's husband pays her a surprise visit

Dec 16, 2007
Eula Valdes was pleasantly surprised by the arrival of her husband, Richard Litonjua, last December 8. He flew in from Australia unnanounced to spend the Holidays with his family.


Kasamang dumating ni Eula Valdes ang kanyang husband na si Richard Litonjua sa Christmas party ng GMA-7. Tama nga ang sinabi ni Eula na dito magpa-Pasko ang kanyang asawa dahil mainit daw ngayon sa Australia kung saan ito naka-base.

"He surprised me noong dumating siya noong December 8," kuwento ni Eula. "Hindi siya tumawag para magpasundo. Basta dumating na lang siya sa bahay at nagulat kaming lahat. Masayang-masaya ako because he
surprised me again like he always does."

Patunay ito na hindi totoo ang mga balitang kumalat na hiwalay na si Eula sa kanyang mister. Mayroon silang three-year old daughter named Juliana.

"Tulad nga ng sinabi ko before sa presscon ng Kamandag, natawa lang ang mister ko sa balitang hiwalay na raw kami. Nagtataka lang siya kung saan nanggaling ang balitang iyon.

"Sinabi ko naman na pabayaan na lang niya dahil it's showbiz. Hanggang hindi nila kami nakikita na magkasama, aakalain nilang hiwalay kami. Hiwalay kami physically because he works in Australia at ako nandito sa Pilipinas. Pero kami pa rin for life."

Wala nga raw plans si Eula at ang kanyang asawa na mag-out of town sa Pasko dahil tambak din ng trabaho si Eula bago mag-Pasko.

"May taping schedules pa kasi kami ng Kamandag before and after Christmas kaya mahirap mawala ng ilang araw. Pero depende naman kay Richard kung ano ang gusto niyang gawin. He's more concerned sa schedules ko kasi siya on vacation siya, kaya wala siyang iniintindi masyado. But kahit na nasa bahay lang kami, it's okay because kumpleto kami ngayong Pasko."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
eula valdes
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eula Valdes was pleasantly surprised by the arrival of her husband, Richard Litonjua, last December 8. He flew in from Australia unnanounced to spend the Holidays with his family.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results