Judy Ann Santos talks about marriage, parenthood, and Ryan

by Rose Garcia
Dec 18, 2007
"There's no such word as 'perfect'. But I could say, Ryan is close to perfection when it comes to the relationship, in terms of raising kids," says Judy Ann Santos about her boyfriend Ryan Agoncillo.

During the second press conference of Sakal, Sakali, Saklolo last night, December 17, mas napag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal at kung ilan ang planong maging anak ng dalawang bida ng pelikula na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Gumaganap bilang mag-asawa ang dalawang magkasintahan sa totoong buhay.

Ayon kay Judy Ann, from their original plan daw ni Ryan na apat, naging dalawa na lang ito. "Noong unang napag-uusapan namin, apat. Masaya kasi kapag malaki ang pamilya. Hanggang nauwi na lang sa dalawa. Tutal, may isa na naman kami, si Yohan [ang adopted daughter ni Juday]."

Ibinuko naman ni Ryan ang girlfriend na kaya raw nauwi na lang sa dalawa ang gusto ni Juday na anak ay dahil minsan na nag-supermarket ang aktres, nagpaka-Angelina Jolie sa porma na bitbit ang anak na si Yohan at isa pang pamangkin ni Ryan. Doon daw na-realize ni Juday na hindi raw pala madali ang magkaroon ng maraming anak.

Continue reading below ↓



Ayon kay Juday, "Mahirap talagang magpalaki [ng anak] sa buhay natin ngayon, sa Pilipinas, mahirap talaga dahil mahirap ang buhay. Sa isang anak mo nga lang, yung future na gusto mong ibigay sa kanya, gusto mo lahat ng maganda ibigay, di ba? So, hindi mo maibibigay ‘yon hangga't hindi maganda ang estado mo sa buhay. E, hanggang kailan mo kayang maging maganda ang estado mo sa buhay?



"Yung pangalawa, kailangan equal ang atensiyon. At saka, mahirap talaga... Hulas ka na, hindi mo pa tapos mapaliguan ang mga bata. Hulas ka na, hindi pa tapos pakainin. Pero alam n'yo, masarap...masarap maging nanay. At the same time, masarap maging anak and at the same time, masarap maging asawa kung saka-sakali. Pero alam n'yo, mahirap ‘yon kung hindi mo rin kayang panindigan lahat. So, tama na ang dalawa," paliwanag ng aktres.



So, talagang dini-delete na niya agad ang idea ng mas malaking pamilya?

Continue reading below ↓



"Parang hindi rin naman kakayanin ng matris ko!" natatawa niyang sambit.



PROUD 'PARENTS'. Kinumusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Juday ang relationship niya at ni Ryan sa kanilang adopted daughter na si Yohan.

"Ay, very very special!" bulalas niya. "She's one of the few persons that keeps me grounded and very much inspired when it comes to working. Ako dati, ang iniisip ko, kapag nagtatrabaho ako, may gusto akong bilhin. Gusto kong bumili ng magandang kotse, bumili ng bahay. Pero ngayon, bawat suweldo mo, may nakalaan na agad para sa anak mo. Iniisip mo na kung anong health insurance, life plan, educational plan.



"Nandoon ka na sa estado na, oo nga pala, may binubuhay akong isang buong tao na ang kinabukasan niya, nakasalalay sa akin. Careful din kami whatever words na binibitawan namin sa harapan niya, mga actions namin. Kasi kung ano ang nakikita ng bata, iniisip niya, tama.

Continue reading below ↓



"Si Yohan ang isa sa napakagandang regalong ibinigay sa akin ng Diyos," sambit ni Juday.

Hindi na rin lingid na kung "Mommy" ang tawag sa kanya ni Yohan, "Daddy" naman ang tawag ng bata kay Ryan. Pero ayon kay Juday, hindi raw nila ito itinuro sa bata.



"You know, what's nice about Yohan, sa kanya nanggaling yung pagtawag ng 'Daddy' kay Ryan. Walang nagturo sa kanya. Siguro kasi, madalas niya kaming makitang magkasama. ‘Tapos, nakikita rin niya kung gaano siya kamahal ni Ryan. Basta, nakita niya si Ryan sa magazine, sasabihin niya, ‘That's my Daddy!' Nakakatuwa. Siguro kasi, napi-feel din niya ang importance na ibinibigay sa kanya ni Ryan," paliwanag ni Juday.

CLOSE TO PERFECTION. Napag-usapan din maging ang idea ni Juday sa kasal, gayundin kung saan sila magha-honeymoon ni Ryan. Ayon kay Juday, dahil sa dami na rin ng travels nila together, kung may gusto man daw silang puntahan ay ang mga lugar na puwedeng hindi mo agad maiisip na puntahan, ‘tulad ng Vietnam or Southeast Asia.

Continue reading below ↓

Pero the question now, kung halos date at place na lang ang kulang in terms of their wedding, puwede bang sabihin ni Juday na wala nang room for them na hindi sila ang magkakatuluyan?



"Siyempre, ang sarap isipin na sana dire-diretso na. Pero anything can really happen. Kung reyalidad ang pagbabasehan mo, hindi mo alam kung ano ang gusto sa ‘yo ng Panginoon, e. Ako nagdarasal ako na sana, si Ryan na... Kasi, napakahirap maghanap ng lalaki ngayon na alam mong responsible. ‘Tapos, 29 na ako! Ayoko nang maghanap ng ibang lalaki na papakisamahan ko na naman. Kikilalanin ko na naman.



"There's no such word as 'perfect'. But I could say, Ryan is close to perfection when it comes to the relationship, in terms of raising kids. Me as a person, marami rin siyang napa-realize sa akin na, yeah, show business is not forever. That's the reason why nag-culinary rin ako dahil din sa mga sinabi niya sa akin. Marami akong natutunan. Kumbaga, mas nagiging confident lang ako ngayon dahil feeling ko, mas buo ako ngayon bilang tao," pahayag ni Judy Ann.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"There's no such word as 'perfect'. But I could say, Ryan is close to perfection when it comes to the relationship, in terms of raising kids," says Judy Ann Santos about her boyfriend Ryan Agoncillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results