Judy Ann and Ryan say marriage will not brake his motorbike or stop her cooking

IMAGE 0


"Hindi naman namin binalak na baguhin ang isa't isa. Kasi kungpahihintuin ko siya sa motorcycle niya, baka pahintuin niya naman akosa cooking ko, ay hiwalay na talaga," says Judy Ann Santos about her and Ryan Agoncillo's passions.


Power couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo return to the big screen with the sequel of their critical and commercial success of last year. Kasal Kasali Kasalo—Star Cinema's Sakal, Sakali, Saklolo written and directed by Joey Reyes.

This time, kasal na ang mga characters nina Juday at Ryan at may anak na.

Dito rin umikot ang general question and answer sa presscon ng pelikula kagabi, December 17. One reporter fielded an interesting question na kung ano raw ang isang bagay na mapapakialaman ng isa't isa na magpapapigil sa kanila to continue the relationship.

Ryan answered na basta hindi lang daw pakikialaman ni Juday ang kanyang hobby na collecting motorcycles at si Juday naman ay cooking.

"Basta ako, I'm willing to compromise everything," sabi ni Ryan. "If she wants to go to a movie, have dinner with friends, be with her family, I will do it. Pero alam niya, basta huwag niya lang akong pahihintuin sa passion ko sa motorcycles kundi away na ito!"

"You can relate naman, Dom, di ba," tanong ni Ryan sa co-star nilang si Dominic Ochoa who was also at the press con.

Patuloy niya, "Ito ang passion ko, binata pa naman ako, I want something to be passionate about, this is my hobby."

Okay naman ito kay Juday.

"Tanggap ko naman ito," sabi ng aktres. "Hindi naman namin binalak na baguhin ang isa't isa. Kasi kung pahihintuin ko siya sa motorcycle niya, baka pahintuin niya naman ako sa cooking ko, ay hiwalay na talaga. Saka mabuti nang motorcycle ang sinasakyan ni Ryan kesa iba!"

Sa follow-up question na paano kung may makiangkas daw kay Ryan, lalagyan daw ni Juday ng watusi ang passenger seat, sagot niyang tawa nang tawa.

Another follow-up question na napakalaki ng road statistics ng accident involving motorcycles. Sagot ni Juday, bukod sa responsible driver si Ryan, sinasamahan na rin ito ng matinding dasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka sa village niya na lang naman nagda-drive si Ryan kasi wala na rin siyang time. Gusto niya lang na nakikita ang collection niya pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi," kuwento ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN