Ruffa Gutierrez's Christmas will still be happy even without a special someone

IMAGE 0


"Mas masaya naman ako in terms of personal this year. Kahit na medyomalungkot din ako ng konti dahil wala akong special someone next to me,e, kasama ko naman ang pamilya ko and everyone is in good health," says Ruffa Gutierrez.



Tila nagiging yearly event na for the Gutierrez Family ang mag-share ng kanilang blessings tuwing sumasapit ang Kapaskuhan. Last year ay nagkaroon din ng pa-Christmas party ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez for the entertainment press at ngayon nga, bukod sa kambal, kasama na rin ang kanilang ate na si Ruffa Gutierrez at ang kanilang inang si Annabelle Rama kung kaya't tinawag itong pa-Christmas party ng Gutierrez family.



Bukod sa mga inihanda nilang tokens for the press at mga pa-raffle, naglaan din talaga ng kanilang mga oras ang apat para mag-host ng kanilang Christmas party kagabi, December 18, sa Imperial Palace Suites. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal ) si Ruffa, sinabi nitong kanya-kanya silang bigay ng share sa naganap na Christmas party for the entertainment press.



"Nag-donate talaga ko. Hati-hati kaming magkakapatid. Siyempre, yung pinakamalaking bigay, si Richard dahil mas malaki siyang kumita! Siyempre si Raymond din at kasali na rin si Mommy dahil may mga endorsements na rin siya," nakangiting pahayag ni Ruffa.

RUFFA'S CHRISTMAS. Gaya ng alam na ng marami, naging makulay ang taong ito para kay Ruffa. Kaya tinanong namin siya kung kumusta naman ang magiging Pasko niya this year pagkatapos ng mga nangyari sa kanyang buhay.

"Well, masaya ang Christmas namin this year," nakangiti pa ring sagot niya. "Maraming bigay, maraming labas, kaya pagdating ng January 2008, e, work to death na naman ako para makabawi naman."

Masasabi ba niyang mas masaya pa rin ang Pasko niya as compared sa mga previous Christmases niya?



"Mas masaya naman ako in terms of personal this year. Kahit na medyo malungkot din ako ng konti dahil wala akong special someone next to me, e, kasama ko naman ang pamilya ko and everyone is in good health. Everybody is very happy," sambit ng actress-TV host.



May plano bang umuwi ang mister niyang si Yilmaz Bektas upang makapiling ang mga anak nilang sina Lorin at Venice kahit ngayong Kapaskuhan lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"As of now, walang plano," pag-amin niya. "Well, nakikipag-communicate naman siya sa mga bata at maganda naman ang samahan nila. Para sa akin, yun ang importante. Kahit minsan, e, hindi kami nagkakasundo, at least, tuloy-tuloy pa rin ang communication niya sa mga bata."



FINANCIAL SUPPORT. Nabanggit ni Ruffa bago magsimula ang pa-raffle para sa press na sana raw ay mas dumami pa ang blessing na matanggap niya next year para mas marami pa siyang mai-share at masuportahan din niya ang mga pangangailangan ng dalawang anak. Binigyang-diin niya na siya lang ang solong sumusuporta sa ngayon.



Does it mean kahit may communication si Yilmaz sa mga anak, hindi pa rin ito nagbibigay ng anumang financial support?



"Dati humihingi po ako, pero ang sabi niya sa akin, 'hindi kita bibigyan hangga't hindi ka umuuwi sa Istanbul.' So, well, hindi talaga siya nagbibigay kahit piso. Mabuti na rin yung ako na lang ang nag-aasikaso sa lahat. At least, libre ako sa kung anumang gusto ko. You know, masaya naman ako dito, marami naman akong trabaho. You can say that God is good kahit na hindi sila sinusuportahan ni Yilmaz financially, at least, marami namang blessing na dumarating kapalit nun," pahayag ni Ruffa.

FILMFEST ENTRY. Sa darating na 2007 Metro Manila Film Festival ay may entry si Ruffa, ang Desperadasng Regal Entertainment. Siniguro niyang dadalo siya sa Parade of Stars sa December 24. In fact, naihanda na rin daw siya ng gagamiting payong dahil alam niyang mainit.



"Handa na talaga ako! Nakapagpagawa na rin ako ng special na payong para hindi ako mainitan at para hindi ako umitim or else, magagalit ang MET!" natatawa niyang sabi na ang tinutukoy ay ang ini-endorse niyang whitening product.



Dagdag ni Ruffa, "Actually, hindi ko pa siyempre nakikita ang float na sasakyan namin. Pero sa presscon, nakiusap kami na lahat ng sasama sa parade, magsuot ng pinkā€”to celebrate breast cancer. Kasi nagre-raise kami ng awareness para sa Pink for Life Foundation. So, itong Desperadas, for a cause din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOOKING FORWARD TO 2008. Masasabing isa sa naging kontrobersiyal na showbiz personalities sa taong 2007 si Ruffa dahil nga sa nangyaring hiwalayan nila ng asawang si Yilmaz. Pero ang taon din na ito ang maituturing na comeback na niyang talaga sa showbiz.



Ngayong darating na 2008, ano naman ang ini-expect ni Ruffa?



"Siguro mas lalo kong pagbubutihin ang trabaho ko. Gusto kong makasama ang aking dalawang friends na sabay-sabay kaming na-launch noon, sina Aiko Melendez at Carmina Villarroel. Sana magtrabaho ulit kami for 2008. Sana isang magandang drama movie.



"Dati kasi ayokong mag-drama, gusto ko ng comedy para mapanood ng mga bata at mga anak ko. Pero ngayon, siguro kailangan ko nang ilabas ang lahat ng kinimkim kong sama ng loob all this time. And I think, doing a movie na drama will be a good medium kunsaan ko mailalabas ang aking poot sa dibdib," natatawa niyang sabi.



Sabay-sabay na ini-launch noon ng Regal sina Ruffa, Aiko, at Carmina. So, magbabalik ba ang grupo nila sa 2008?



"Dapat talaga kasama sina Aiko at Carmina sa Desperadas. Pero during that time, busy si Carmina at si Aiko, busy rin. So, hopefully this Christmas, matuloy na magkasama-sama kaming tatlo," asam ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN