Yasmien Kurdi cancels trip to Lebanon

IMAGE 0


"Handa na nga ang lahat para sa pag-alis ko. Pero may nag-advice saakin na huwag ko na raw ituloy kasi magulo na naman daw sa Lebanon.Baka may mangyari pa raw sa akin. Kaya tinawagan ko na lang ang daddyko to explain," says Yasmien Kurdi about the cancellation of her trip to Lebanon.



Hindi na matutuloy si Yasmien Kurdi na lumipad papuntang Lebanon para bisitahin ang kanyang amat at ang lolona niyang maysakit ngayong Kapaskuhan. May problema na naman daw sa naturang bansa sa Middle East kaya hindi raw puwedeng pumunta doon ang young actress. Ang ginawa na lang ni Yasmien ay tinawagan niya ang kanyang ama at kinumusta ang kalagayan ng kanyang lola.



Kuwento ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Handa na nga ang lahat para sa pag-alis ko. Pero may nag-advice sa akin na huwag ko na raw ituloy kasi magulo na naman daw sa Lebanon. Baka may mangyari pa raw sa akin. Kaya tinawagan ko na lang ang daddy ko to explain. Naintindihan naman niya."



Instead, sa Dubai na lang daw pupunta si Yasmien at makikipagkita sa kanyang mga kaibigan doon. Doon na lang daw niya palilipasin ang Pasko at babalik siya bago mag-New Year dahil magre-resume sila ng taping for Pasan Ko Ang Daigdig.



"Ilang taping days na lang kasi matatapos na kami around middle of January 2008. ‘Tapos, sisimulan ko na ang bagong show ko, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Kasama ko dito si Angelika dela Cruz. Pang-primetime na ito this time," sabi ni Yasmien.



Tinanong din namin si Yasmien tungkol sa nababalitang boyfriend niyang si JC de Vera. Pero biglang nag-iba ang jolly mood ng dalaga. Obvious na meron silang problema ngayon ni JC dahil nawala ang glow sa mukha ni Yasmien, unlike noon na kapag na-mention si JC ay pati mga mata nito ay kumukuti-kutitap.



"Uy, hindi naman!" tanggi niya. "Kasi kapag tinatanong ako about JC, naaalala ko ang stress sa taping namin. Kasi parati kaming inuumaga kaya nakakapagod talaga."



Pero biglang bumalik ang sigla ng mukha ni Yasmien nang tanungin namin siya kung sino pa aside from her friends ang imi-meet niya sa Dubai. May balita nga kasing may iba nang nagpapatibok sa puso ni Yasmien at sa Dubai sila magkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ang imi-meet ko lang sa Dubai ay yung mga classmates ko na naka-base doon. Puro kami mga girls, promise!" sabay ngiti nito.



Nang tanungin namin tungkol sa nababalitang boyfriend daw niya, nag-deny si Yasmien pero super-smile naman siya at sabay nag-sparkle ang mga mata niya. So, malamang na may ibig sabihin ‘yon.



Kakaiba talaga si Yasmien dahil hindi siya marunong magtago ng kanyang emotions. Halata mo kaagad kung hindi na niya gusto ang isang tao. Pero mas halata kapag may gusto siya at with matching kilig pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN