Toni Gonzaga and Paul Soriano explain curfew issue

IMAGE 0


"Wala namang curfew na ibinigay sa akin, but I make sure I don't stayso late kasi respect din sa mommy at daddy at sa kanya [Toni] rin. Kasisometimes, she has to wake up very early to shoot," explains Paul Soriano about the rumor that the parents of his girlfriend, Toni Gonzaga, imposed a curfew on him.



Nilinaw ng young director na si Paul Soriano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na walang katotohanan ang balitang binigyan siya ng mga magulang ni Toni Gonzaga ng curfew sa pagdalaw nito sa dalaga sa kanilang pamamahay.



"Wala namang curfew na ibinigay sa akin, but I make sure I don't stay so late kasi respect din sa mommy at daddy at sa kanya [Toni] rin. Kasi sometimes, she has to wake up very early to shoot," paliwanag ni Paul.



Sinigurado naman ni Paul na pagkatapos nilang mag-spend ng quality time together ni Toni ay umuuwi na siya.



"Self-imposed lang 'yon [curfew] because I have also to wake up early for my work, like doing commercials. Starting next month, marami din akong gagawin. So busy din ako, busy din. So kailangan din na I have to go home early."



Sinegundahan naman ito ni Toni nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap siya tungkol sa napabalitang curfew ni Paul.



"Wala... Marunong si Paul ng tamang oras," pahayag ng aktres na halatang hindi nito nagugustuhan na may nag-i-interview sa kanyang boyfriend.



Samantala, going stronger ang pagmamahalan ng dalawa dahil madalas silang makita together. Kadalasan, kung nasaan si Toni ay nandoon din si Paul, tulad noong nag-guest ang young actress-TV host sa The Buzz. Tahimik lang ang guwapong direktor na nagmamatyag sa kasintahan habang ini-interview ni Ruffa Gutierrez.



Nilinaw rin ni Toni ang lumabas na balita na nagkaroon sila ng lovers quarrel ni Paul nang pumasok ang una sa Pinoy Big Brother house.

"No, he didn't get mad," diin ni Toni. "He was just surprised kasi hindi niya alam 'yon. Even me and some of my PAs, talagang hindi alam 'yan. It was just between my mom and Direk Lauren and everyone else."



Siniguro rin ni Toni na sila pa rin hanggang ngayon ni Paul at very strong pa rin ang kanilang relasyon. Kaya lang, wala pa raw siyang ideya kung ano ang Christmas gift sa kanya ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I don't know yet, I don't know. Christmas plan? It's very obvious that I'll be spending my New Year sa PBB kasi hanggang January 5 kami. We're extended," sabi niya.



Dahil sa kanyang hectic schedule, wala ring plano si Toni na mag-out-of-town, lalo na't tuluy-tuloy ang taping nila ng Maging Sino Ka Man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN