Lani Mercado opens up about Bong's son Luigi

IMAGE 0


"Kailangan din naman ng bata na makilala. Siyempre, mahirap din yung nagtatago siya," says Lani Mercado about going public with Bong Revilla's son by other woman.



Nakisaya sa Christmas party na ibinigay ni Senator Ramon "Bong" Revilla para sa entertainment press kahapon, December 19, ang kanyang misis na si Lani Mercado. Dito kinumpirma ni Lani na maayos na maayos na ang relasyon nila ni Rosanna Roces na matagal din niyang nakaalitan. Patunay nito ang pagdating ni Osang sa birthday party ng anak nina Senator Bong at Lani na si Ram.



Kuwento ni Lani sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Inimbita siya [Osang] ni Ram at nagpadala ako ng imbitasyon. Nagpunta naman siya and I'm happy. Kasama niya si Onyok [bunsong anak ni Osang] at si Gab. I think that was one of the occasions na nakarating siya. Kasi, di ba, hindi pa siya medyo kumportbale dati? Ngayon, I think happy siya. ‘Tsaka may okasyon at inaanak niya si Ram.



Dagdag niya, "Well, so, far, maayos naman. Wala naman akong masasabi sa mga pangyayari tungkol sa amin. Happy rin ako na na-resolve na lahat."



Pero marami pa rin ang interesado na malaman kung paano tinanggap ni Lani ang anak ni Bong na si Luigi sa ex-girlfriend ng actor-politician na si Lovely.

"Matagal ko na namang alam ‘yan," sabi ni Lani. "May mga bagay kasi na hindi ko na sinasabi, na kami-kami na lang ang nagkakaalaman. Hindi ko na kailangang i-broadcast."

Bakit nagdesisyon silang ilantad sa publiko ang anak ni Bong sa ibang babae?



"It's about time. Kailangan din naman ng bata na makilala. Siyempre, mahirap din yung nagtatago siya," paliwanag ni Lani.



Natanggap ba niya nang maluwag si Luigi dahil na rin nakita na niya ang ganitong scenario sa pamilya ni Bong, especially his dad (former senator Ramon Revilla Sr.) na merong napakaraming anak sa iba't ibang babae?



"Hindi naman," ngiti ni Lani. "Hindi ko tiningnan sa bahagi kung paano yung background, yung family ni Bong, particularly yung kay Daddy. Ang pagtanggap na ‘yon ay sa dahilan na hindi naman forever and ever na malungkot, maghihinanakit. ‘Tsaka yung bata, hindi mo dapat nilalagay yung sama ng loob mo doon. Plus, he's very much welcome ever since na nagkita-kita kami noon sa Boracay a few years back. Ano naman 'yon, dahan-dahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano yung bagay na nakapagpatunaw ng puso niya para tanggapin nang maluwag si Luigi?



"Wala lang. It just happened na sabi ko, it's about... I think it started off nung nagkita sila ng mga anak ko sa Boracay," sabi ni Lani.



Umaaasa ba siya na titigil na ang mga intriga sa kanila ni Bong?



"Habang may buhay, may intriga," nangingiting sagot ni Lani. "Ano lang, take it one day at a time. Sana matapos na ang intriga. Yun naman ang wish ng kahit na sinong tao. Pero ano lang, hinay-hinay, tao lang."



Kumusta naman siya as a stepmom?



"Wala namang kaso," sagot niya. "Kasi dalaw-dalaw lang naman. With six kids under my roof, medyo ano na ‘yon, hands-on na ‘yon. Wala namang problema."



Ano ang tawag sa kanya ni Luigi?



"Tita ba? Tita 'ata. Tita Lani, kasi kapag nagti-text siya, ‘Tita Lani.' Yes, nagte-text kami sa isa't isa."



What about Luigi sa kanyang mga anak?



"Wala naman silang problema. Nakapag-sleep-over siya sa amin nung Halloween. Nag-sleep siya sa kuwarto ni Jolo. The last time I saw him was Halloween," kuwento ni Lani.



Makakasama ba nila si Luigi sa Noche Buena?

"Hindi, he's with his family," sagot ni Lani. "Hindi pa namin siya nakakasama ‘pag Christmas. It's only on the special occasions of the family. Pero yung [December] 25, he's with his family."



Does it matter kung sumama sa kanila si Luigi sa Noche Buena?



"Walang kaso. It depends on the mom. Kasi syempre, jurisdiction yun ng mom niya," pahayag ng misis ni Bong.



What if may lumitaw na naman na panibagong anak si Bong, matatanggap pa rin ba niya?



"Ah, panoorin ninyo po ang Resiklo sa December 25. Mahaba pa ang showing niyan!" nakangiting biro ni Lani, na halatang ayaw sagutin ang tanong.



Ang Panginoong Diyos daw ang nagpapatibay sa kalooban ni Lani kapag may mga problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Aniya, "Umiiyak din naman ako. Tao lang naman ako. Hindi naman ako bato. Basta ang source ng strength ko is God."



Pero aminado si Lani na naaapektuhan din siya ng mga problema at intriga sa pamilya.



"Ang tagal na ng mga bagay-bagay na ‘yan. Basta tao lang tayo. ‘Tsaka yung mga bagay na hindi mo dapat iniisip para sumama ang araw mo, huwag mo nang pasamain," sambit ni Lani.



Ni hindi man lang ba siya nag-isip noon na umalis ng bahay nila ni Bong kapag may matindi silang problema?



"Wala namang ganung away. Ang kasamaan, hindi puwedeng manalo. Kabutihan ang dapat manalo," pagtatapos ni Lani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN