Angel Locsin finally gets to rest on Christmas Eve

IMAGE 0


Angel Locsin says of her big Colmenares clan, "Ang laki talaga. Magugulat ako, may nagtatawag sa akin ng ‘Lola, lola', may mga asawa na, may anak na, so ang weird talaga. Mas matanda sila. Kasi mas bata nga ako. Medyo late ako pinanganak. Yung mga dapat pinsan ko, tito ko. Parang iba na yung tawag sa akin."


Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Angel Locsin, ang lead star ng inaabangan na action-drama show. Ngayong taon kasi ay walang pelikulang ginawa si Angel para sa Metro Manila Film Festival. Ipinahayag ni Angel na natutuwa siya na wala siyang pelikula ngayong Kapaskuhan.

"Kasi tatlong Pasko na po akong tulog," napatawang sabi ni Angel. "Hindi ako ginigising. Parang pagdating last year after nung parade, siyempre pagod ka rin. Ang layo ng inikot. Tapos, ini-entertain mo yung mga tao. Ok naman kasi nakakataba naman ng puso kapag pinapansin ka ng ganoon.

"Eh pagdating sa bahay, pag-upo ko pa lang, parang hindi pa sumsandal yung likod ko eh tulog ka na kaagad. Hindi na nila ako siguro ginigising. Siguro, naawa na sila sa akin. Pero bad trip lang, kasi parang lahat kayo masaya, ako hindi. Parang anong nangyari kagabi?" pagpapatuloy ni Angel sa kanyang nakakatawang kuwento.

Inaasahan niya rin na marami siyang inaanak at pamangkin na pupunta sa bahay niya sa araw ng Pasko. Ngunit hindi siya nakakapamili kaagad para sa mga pupunta sa kanya.

"Yun yung malaking problema. May mga konti akong napamili pero hindi ko pa siya tapos. Kasi ayoko yung bumili ng ‘eto para sa lahat na.' Yung magugustuhan talaga nung tao. May pagka-senti kasi ako, ‘o heto gusto ko para sa kanya' or eto...," pahayag ni Angel.

Ano naman ang plano niya ngayong bakasyon?

"May taping kami kahapon. Ngayon, 24, kung may time pa ako, mag-kra-cram pa ako ng Christmas shopping. Pag-uwi ng bahay magluluto ako ng noche buena.

"Kasi ang daddy ko, kinakain naman kung anuman yung ipakain namin sa kanya. Siguro ayaw niya kaming ma-disappoint. Okay naman. Edible naman yung mga naluluto ko. Pero gusto ko mag-aral, gusto ko mag-aral. Para kapag nag-asawa naman din ako, hindi ako mapapahiya. ‘Hmm... kailangan mong kainin yung niluto ko," kuwento ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gugustuhin din ni Angel na manitili sa bahay ngayong bakasyon.

"Nagbabagong buhay na ako," natawang sabi ni Angel. "Kung kailangan, magta-trabaho naman, mag-tra-trabaho ako. Pero kung may time para sa pamilya ko, siyempre unahihin ko yung pamilya ko.

"Parang masarap kasi kapag sa bahay lang. Nood ng TV. Yung ganyan, ini-enjoy ko talaga yung bahay. Ayokong pumunta ng mall, ayokong pumunta kung saan man. Yung bahay talaga. Ewan ko. Pero kapag niyaya ka ng mga kaibigan mo na lumabas ka, once in a while lang. Ayoko yung lagi.

Nakahanda na ba si Angel para sa darating ngayong 2008?

"Well, kasi ako yung tao na hindi talaga nag-pa-plan. Sana mas smooth yung sistema ng pag-trabaho. Sana panoorin ng tao yung Lobo kasi nag-start na kami mag-shooting. Sana abangan nila kasi ang ganda-ganda ng pagkakasulat. And yung director naming na si Eric Reyes at sa Cathy Garcia- Molina pinaganda talaga nila," patapos niyang pagkuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN