ABS-CBN happy over TRO against AGB Nielsen

IMAGE 0


"Kailangang busisiin ng AGB Nielsen ang accuracy ng resulta ng TV ratings sa pamamagitan ng pagpalit ng mga nakompromisong panel homes. Ang TV ratings ang pundasyon ng industriya ng negosyo at komunikasyon at ginagamit ng media at advertisers sa paggawa ng mahahalagang desisyon," emphasized ABS-CBN in a statement following the court's request to AGB Nielsen Media Research Philippines to temporarily refrain from releasing television ratings data to the public.


In the wake of the Temporary Restraining Order (TRO) issued by the Quezon City Regional Trial Court against AGB Nielsen Media Research Philippines yesterday, December 20, ABS-CBN sent a written statement to Philippine Entertainment Portal (PEP) earlier today through e-mail.

As reported yesterday, Judge Charito B. Gonzales handed down a TRO, requesting AGB Nielsen to temporarily cease from releasing data or any information on television ratings for 20 days.

The order states: "Wherefore, as prayed for, the defendant [AGB Nielsen], its employees, agents or representatives and those acting for and its behalf are hereby ordered to cease and desist from pursuing its nationwide TAM [Television Audience Measurement] data gathering activities from corrupted home panels and delivering, releasing or making known the resulting TAM data to its clients or the general public within twenty [20] days from the issuance of this Order."

HAPPY YET MORE ALARMED. ABS-CBN Head of Corporate Communications Bong Osorio furnished a copy of the network's reaction regarding the court order to PEP and it says:

"Malugod naming tinatanggap ang desisyon ng korte na pansamantalang itigil ang pagkuha ng datos at pagbabalita sa telebisyon ng ratings survey ng AGB Nielsen Media Research Philippines sa susunod na 20 araw.

"Habang kami ay nagagalak na sinang-ayunan ng korte ang aming pagkakatuklas [ng] tila'y isang systematic at organized na pandaraya sa ratings, kami rin ay nalulungkot na malamang marami na sa mga panel households ang nagkumpirma sa sinabi ng aming impormante na sila ay nilapitan upang baguhin ang istasyon o programa na kanilang pinapanood kapalit ang pera at mga grocery.

"Kailangang busisiin ng AGB Nielsen ang accuracy ng resulta ng TV ratings sa pamamagitan ng pagpalit ng mga nakompromisong panel homes. Ang TV ratings ang pundasyon ng industriya ng negosyo at komunikasyon at ginagamit ng media at advertisers sa paggawa ng mahahalagang desisyon.

"Kaya naman karapatan ng mga media, advertisers, at lalung lalo na ng mga manonood, na malaman ang katotohanan. Kailangan natin ng malinaw na paliwanag at hindi pawang pagtanggi, banta ng pagsasampa ng kaso, at iba pang paraan upang guluhin ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simple lang ang gusto namin. Nais namin ng TV ratings system na tiyak na susukat sa hilig ng mga manonood. Bilang isang network na nagpapahalaga sa katapatan at integridad, kami ay lumalaban base sa dekalidad ng aming mga palabas at hindi sa pamamagitan ng pagmamanipula o pagkompromiso ng sistema.

"Sa pagkawala ng TV ratings sa susunod na mga linggo, makakaasa ang publiko na ang ABS-CBN ay patuloy na gagawa ng dekalibreng mga programa at patuloy na maglilingkod sa sambayanang Pilipino."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN