Michelle Madrigal on Yasmien-JC loveteam: "Bagay na bagay sila."

by Ruel J. Mendoza
Dec 23, 2007
Last month, Michelle Madrigal announced she's already a "freelance," which means she can choose to work with whatever network. She added, "Nasa manager ko po ang final say kung saan ako magtatrabaho. Lumaki talaga ako sa Dos at napakarami kong naging kaibigan doon, pero kung saan ako ilalagay ng manager ko, susunod na lang ako."

Sa isang artikulo na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong ika-29 ng Nobyembre, binanggit na magiging visible na sa GMA-7 ang Star Circle Quest alumna na si Michelle Madrigal. Kaya naman, noong nakita namin siya sa premiere night ng Resiklo sa SM Megamall, agad siyang tinanong kung isang certified Kapuso na nga ba siya?

Ipinamamalita na kasi ng kanyang ex-boyfriend na si JC de Vera na papasok na siya sa GMA-7 ngayong nasa ilalim na siya ng management ni Ms. Annabelle Rama.

"Abangan n'yo na lang siguro ako," ang nakangiting sabi ni Michelle. "Ayoko munang mag-divulge ng anumang information kasi may mga pag-uusap pang nangyayari. But definitely, mapapanood na nila ako ulit."

Balita ngang papasok daw si Michelle sa TV series na Kamandag ni Richard Gutierrez. Ibig sabihin nito, magkakaroon ng pagkakataon na magkasama si Michelle at ang nakakatanda niyang kapatid na si Ehra Madrigal.

"May ganyan na bang balita?" sabay-tawa ni Michelle. "Ayokong manggaling sa akin ‘yan. Basta abangan na lang nila ako."

Continue reading below ↓

Okey lang ba na makasama niya ang kanyang sister na si Ehra sa isang TV show? Wala kayang mangyaring sibling rivalry sa kanilang dalawa?

"Wala naman siguro. I'm very close to my sister at nagtutulungan kami. Before kasi, parati kaming may misunderstanding ni Ate Ehra. Pero ngayon, mas naiintindihan na niya ako at gano'n din ako. To work with her is something important sa aking buhay," ang sagot ni Michelle.

Tinanong din namin si Michelle tungkol sa napapabalitang ka-relasyon ni JC na si Yasmien Kurdi, at ang sabi niya ay matagal na raw silang magkakilala ni Yasmien. Nagkakausap pa nga raw sila noong mag-on pa sila before ni JC.

Aniya, "I remember na during Click days ni JC ay siya ang nagpakilala sa akin kay Yasmien. Sa phone pa nga kami unang nagkakilala at wala naman kaming issue talaga with each other."

Ano naman ang reaksiyon niya sa isyung nagseselos daw si Yasmien sa kanya?

Continue reading below ↓

"Noong mabasa ko nga na para raw nagselos si Yasmien sa akin noong ibalita ni JC na magiging Kapuso na ako, hindi ako naniwala roon. Pinagtawanan ko lang ‘yon kasi hindi naman yata gano'n ang ugali ni Yasmien sa pagkakakilala ko sa kanya," ang mabilis niyang sagot.


Ina-assure nga ni Michelle na walang dapat na ikaselos si Yasmien sa kanya dahil magkaibigan na lang daw sila ngayon ni JC.

"She has nothing to worry about kasi hindi ko naman aagawin si JC sa kanya, ‘di ba?" ang sabi ng dalaga na may kasamang pagbibiro.

Dagdag pa ni Michelle, "Ayokong makasira ng kanilang team-up which is very successful. I would like to congratulate them personally kasi ang galing ng loveteam nila. Bagay na bagay silang dalawa."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last month, Michelle Madrigal announced she's already a "freelance," which means she can choose to work with whatever network. She added, "Nasa manager ko po ang final say kung saan ako magtatrabaho. Lumaki talaga ako sa Dos at napakarami kong naging kaibigan doon, pero kung saan ako ilalagay ng manager ko, susunod na lang ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results