Ara Mina's Osteria restaurant closing down soon for smaller cafe

Dec 25, 2007
With the persistent rumors claiming that her younger sister Cristine Reyes and Dennis Trillo are still together, here's the stand of Ara Mina: "She's my sister kaya susuportahan ko siya sa gusto niya."

Kinumpirma ni Ara Mina na isasara na niya ang Osteria, ang restaurant niya sa Tomas Morato, Quezon City. Papalitan na lang daw niya ito ng simpleng café sa Marikina River Banks, isang popular na pasyalan sa Marikina City.

Inamin ng leading lady ni Manny "Pacman" Pacquiao sa pelikulang Anak Ng Kumander na hindi siya masyadong kumikita sa fine dining restaurant niya at bigla pa raw tinaasan ang renta, kaya wala raw siyang choice kundi isara ito kesa naman malugi pa siya ng husto.

"Hindi pa naman ako luging-lugi, pero noong taasan ang renta ko for that place, parang hindi na praktikal talaga. Sayang pa ang ibabayad ko kung itutuloy ko. Kaya kinausap ko na lahat ng mga empleyado ko na we are closing down. Pero hindi naman ngayong Pasko mangyayari iyon. Tuloy pa rin naman kami ng operation until January 2008 kasi may kontrata pa ako up to that month," ang kuwento ni Ara.

Continue reading below ↓

Binanggit na rin niya ang planong magkaroon ng business venture sa Marikina. "Ang gagawin ko lang ay ibebenta ko ang ilang mga gamit ng restaurant para isama sa magiging puhunan ko for the new café na itatayo ko sa may Marikina River Banks."

Naaawa nga si Ara sa kanyang mga empleyado dahil ayaw niyang may mawalan sila ng trabaho.

"Doon nga ako nalulungkot, eh. Kasi nga magda-downsize ako ng staff. Hindi naman lahat ay puwede kong i-absorb. Magkakaroon nga kami ng evaluation at yung mga okey ang performance, sila ang maiiwan sa akin. Kaya nga maaga kong sinabi na magsasara na ang Osteria para may pagkakataon silang makapaghanap ng trabaho next year.

"Ako pa naman, ayoko yung magtatanggal ng tauhan ko, lalo na yung iba na since the start ng Osteria ay nandiyan na. Kung puwede ko lang ngang i-hire ulit sila, gagawin ko. Kaso Maliit na staff na lang ang kailangan ko," sinabi ng aktres na may panghihinayang.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy niya, "Pero naiintindihan naman nila ang katayuan ko ngayon, eh. Marami rin akong binabayaran na mga utang at mas okey kung mababawasan ang mga gastusin ko. Ang magagawa ko na lang siguro ay ma-irekomenda sila sa mga kaibigan kong may mga business din."

Kinumusta naman namin kay Ara ang kapatid nitong si Cristine Reyes at kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Dennis Trillo. Ayon kay Ara, mukhang okey na dalawa, though inamin niyang medyo nabawasan daw ang pogi points ni Dennis dahil sa nangyaring gulo.

"Konti lang naman ang nabawas na paghanga ko kay Dennis. Kung hindi pa siya nagsalita, baka totally ma-zero na siya, ‘di ba?" sabay tawa ni Ara. "Sinabi ko naman noon na boto ako kay Dennis para kay Cristine, ‘di ba? Gano'n pa rin naman pero medyo kailangan ni Dennis na muling ibalik ang tiwala namin sa kanya.

Ano nga ba ang real score?

Continue reading below ↓

"Sila ni Cristine? Mukhang okey naman sila yata. Lately ay hindi ko natatanong si Cristine regarding kay Dennis. Alam ko naman kasi ang isasagot no'n kapag kinulit ko siya. Maiinis pa sa akin iyon kapag kinukulit ko. Kaya huwag na lang. Makikiramdam na lang ako siguro."

Boto pa rin ba ang buong pamilya ni Ara kay Dennis sa kabila ng gulo na nangyari?

"Ganito na lang, kung sino ang mahal ng kapatid ko, mahal na rin namin. Wala kaming magagawa kasi damdamin ng tao ‘yan. Dumaan din ako sa stage na na-in love pero against ang buong pamilya. I understand my sister kaya hindi ko siya idya-judge. Choice naman niya ang umibig sa taong ito kaya irerespeto namin iyon," pagtatapos ni Ara Mina.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With the persistent rumors claiming that her younger sister Cristine Reyes and Dennis Trillo are still together, here's the stand of Ara Mina: "She's my sister kaya susuportahan ko siya sa gusto niya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results