FHM cover girl Jennylyn Mercado now more confident with her sexy body

IMAGE 0


"Ngayon kasi, I feel more confident. Mas babaeng-babae ako ngayon! Girl na girl na talaga ang feeling ko!" says Jennylyn Mercado about agreeing to pose for FHM Magazine.



Malaki ang kinalaman ng pagiging confident ngayon ni Jennylyn Mercado sa kanyang kaseksihan dahil sa kanyang kauna-unahang sexy cover pictorial para sa FHM magazine.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Jennylyn na tamang panahon na para ipakita ang isang side niya na ikagugulat ng maraming tao.



"Ayoko namang isipin nila na magbabago na ako ng image, hindi naman" pauna niya. "Isang bagay lang ito na ginawa ko para may makita namang iba sa akin. Matagal nang may offer ang FHM sa akin, pero hindi pa ako handa noon. Kahit na nasasama ako sa sexiest list nila for the past four years, hinintay ko talaga ang tamang oras. Ayoko naman na magpu-pose ako ng sexy pero awkward ang dating.



"Ngayon kasi, I feel more confident. Mas babaeng-babae ako ngayon! Girl na girl na talaga ang feeling ko!" bulalas ni Jennylyn.



Pero marami ang nakapansin na tahimik lang ang boyfriend niyang si Patrick Garcia at tila hindi ito kumportable sa suot ni Jen sa cover ng FHM. Ayon naman kay Jen, wala naman daw problema kay Patrick ang pagsuot niya ng mga sexy na damit.



"Supportive naman si Pat ever since," sabi ng young actress. "Yung sinasabi nilang against si Patrick sa pictorial ko sa FHM ay hindi naman totoo. Alam naman niyang hindi pangit na lalabas ang pictorial ko, e. Ako naman, hindi ako papayag kung hindi rin lang maganda lalabas ang mga litrato.



"Yung pagiging tahimik niya, ganun naman talaga si Patrick. Hindi naman siya yung maingay na lalake. Yung pagiging quiet niya doesn't mean na may problema kaming dalawa," paliwanag niya.



Pero okay lang kaya kay Jennylyn na makunan sila ni Patrick na mala-Adam and Eve? Na magkadikit ay ang mga hubad nilang katawan?



"Bakit naman hindi?" ngiti ni Jen. "I think magandang concept ‘yon, di ba? Okay naman siguro kay Pat kasi mas nauna nga siyang mag-pictorial sa akin ng sexy, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Isa siya sa mga Cosmo Bachelors last year at ang sexy ng pictures niya. Basta maganda ang concept at hindi katawa-tawang lalabas ang shoot, walang problema sa akin."



Leading lady ni Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. si Jennylyn sa 2007 Metro Manila Film Festival entry ng Imus Productions at Ignite Media na Resiklo.



Bukod sa La Vendetta ay may bagong TV show si Jen sa GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang. May bagong album din na ginawa si Jen sa ilalim ng GMA Records na ire-release na sa February 2008, just in time para sa kanyang solo show na magaganap sa Zirkoh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN