Studs member JC Cuadrado calls Rhian Ramos a "beautiful flirt"

Dec 27, 2007
"Hindi ko alam kung negative ang connotation, so I'll have to ask him pa about that siguro to have an opinion about it," replies Rhian Ramos when asked about her reaction to JC Cuadrado's (inset) comment that she is a "beautiful flirt."


Sold out ang calendar ng all-male celebrity group na Studs sa first solo show nila sa Zirkoh Timog kagabi, December 26. Maging ang young actress na si Rhian Ramos ay nagulat sa napakaseksing pose ng Studs na kinabibilangan nina Mike Tan, JC Cuadrado, Dion Ignacio, Felix Roco, Edgar Allan Guzman, Lance Oñate, Coco Martin, at ang nagpaalam na rin kagabi sa grupo na si Kevin Santos.



"Na-shock ako!" bungad ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dalawin namin siya sa set ng My Only Love. "Kasi nakita ko yung mga kaibigan ko, bigla na lang ganun. E, kapag nakikita ko sila, mga nakaporma."



Kanino siya na-shock in particular?



"Kay Mike Tan, kasi kita puwet!" bulalas niya.



What about yung pose ni JC Cuadrado?



"Ayos lang, because they're all...lahat naman sila same," sagot ni Rhian.

Sino naman ang pinakagusto niya sa calendar?

"Si Felix, kasi siya yung pinaka-dressed sa lahat, decent. Parang very clean."

Continue reading below ↓

Ano naman ang reaksiyon ni Rhian sa sinabi diumano ni JC that she's a "beautiful flirt," ayon sa kaibigan nito at Pinoy Big Brother Season 2 ex-housemate na si Zeke Dimaguila?

"Dahil hindi naman ako ang nakarinig, so far it's too early to react. Siguro kung sinabi niya ‘yon, siya talaga ang nagsabi, ‘tapos sa mukha ko, e, di parang, ‘Teka lang, ano ang ibig mong sabihin?'" pahayag ng dalaga.

Masasampal ba niya si JC kung siya mismo ang nakarinig sa sinabi ng Studs member?



"Ay, hindi naman. It depends naman kung ano ang ibig niyang sabihin by that," sabi ni Rhian.

Kung sakaling sinabi nga ‘yon ni JC, mao-offend ba siya?

"Hindi ko alam kung negative ang connotation, so I'll have to ask him pa about that siguro to have an opinion about it. Pero yun nga, minsan, kunwari for me, if I call, ‘Hey, ikaw talaga, you're crazy.' Parang hindi mo naman masasabing bad ‘yon, hindi mo rin masasabing good ‘yon. Parang wala, no comment. So, siguro I'll have to ask him pa about it, what he means by it bago ako mag-react," ani Rhian.

Continue reading below ↓

Sa palagay niya, bakit nasabi ‘yon ni JC sa kanya? Nagkaroon ba sila ng relasyon?

Bago sumagot ay biglang tumawa si Rhian. "Wala! Sorry, ha. Hindi pa kami masyadong close. Nagkasama lang kami nung nag-tour ang Ouija at sumama yung Studs sa mall show. E, at the time naman, nagtatrabaho na rin kaya hindi ko sila masyadong naka-bond," paliwanag niya,



Dagdag pa ni Rhian, "Siya na yung tanungin natin bakit niya ‘yon sinabi."



Just in case, may gusto ba siyang iparating kay JC?



"Good luck sa career. Bibili ako ng calendar ninyo. And puwedeng beautiful na lang, huwag na flirt? Puwede beautiful na cute?" natatawa niyang pahayag.



What about Zeke? Nagkakilala na ba sila?



"I can't say we've met and most of the people I meet, puro [taga-] Channel 7," sagot niya.



Kung si JC ay nagsabing "beautiful flirt" si Rhian, napili naman siya ni Zeke bilang isa sa tatlong babae sa showbiz na gusto niyang maka-one night stand. Ano ang reaksiyon ni Rhian dito?

Continue reading below ↓

"Oh, good for me. Yehey!" natatawang sagot ni Rhian.

Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko alam kung negative ang connotation, so I'll have to ask him pa about that siguro to have an opinion about it," replies Rhian Ramos when asked about her reaction to JC Cuadrado's (inset) comment that she is a "beautiful flirt."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results