Ryan Agoncillo says give-and-take in relationship with Judy Ann is 100% mutual

by Julie E. Bonifacio
Dec 27, 2007
"We're not a typical romantic couple. Hindi kami yung ‘Love, love, love, love.' Maharot kami, makulit, malambing, oo. Pero kung romantic at romantic siguro, doon kami hindi romantic. Cowboy kami pareho. Hindi kami yung tipo ng nababasa ninyo sa Sweet Valley High," says Ryan Agoncillo about his relationship with girlfriend Judy Ann Santos.


Itinanggi ng actor-TV host na si Ryan Agoncillo ang balita na mas malaki ang ginagawang adjustment ni Judy Ann Santos para mag-work nang husto ang kanilang relasyon. May mga nagsasabi kasi na mas nag-a-adjust si Juday kay Ryan more than the other way around.



"Oh, no, no... It was two-way. Hindi lang fifty-fifty kundi 100-100, kasi ang dami ko ring dapat i-adjust sa sarili ko para maging swak kay Juday. Ganun din naman si Juday para maging swak siya sa akin.



"Although, we're not a typical romantic couple. Hindi kami yung ‘Love, love, love, love.' Maharot kami, makulit, malambing, oo. Pero kung romantic at romantic siguro, doon kami hindi romantic. Cowboy kami pareho. Hindi kami yung tipo ng nababasa ninyo sa Sweet Valley High," lahad ni Ryan sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Marami naman ang concerned kay Juday dahil next year ay 30 years old na siya. Sinasabi nila na sa ganitong edad ay hirap na ang isang babae na magbuntis. Hindi ba tinatanong ni Ryan si Juday tungkol dito?

Continue reading below ↓



"Yeah, but we haven't gone to the point that we talked about it. Naririnig-rinig ko lang," sagot ng binata.



"Of course," patuloy niya, "the little things that you hear and, I mean, I know, of course. But the little things that I know about biological clock of a woman, we haven't spoken about it. If we get a chance to talk about it, we will. Pero sa ngayon, wala pa akong maikuwento sa inyo."



SEPARATE WAYS. Pagkatapos ng Sakal, Sakali, Saklolo (SSS) ay pansamantala munang maghihiwalay sina Ryan at Juday sa screen.

"So far, baka itong Sakal ang magiging last movie after ng sunud-sunod na projects namin. It might be our last project together for a long time. Kasi tapos na ang Ysabella by February and SSS. Yun lang," pahayag ni Ryan.



Pero may balita na gagawa sila ng sitcom ni Juday sa ABS-CBN based on their characters sa Kasal, Kasali, Kasalo (KKK). Tototo ba ito?

Continue reading below ↓



Ayon kay Ryan, "Well, yung sitcom is still up in the air and although we have a kontrata with Regal to do a movie, I'm not sure kung kailan magagawa ni Juday sa schedule niya. So, this [SSS] would be our last project for a long time. Kasi for the last two years, kami yung magkasama, di ba?

"Then, mag-i-start siya ng bago niyang movie, yung Ploning, mga late January to February. I will join them there as their photographer. Parang wala yata siyang leading man sa movie na ‘yan. Si Direk Ga [Dante Garcia] kasi, ako ang kinuha niyang photographer for the movie.

"Yeah, still photos, promo pictures, poster siguro. I'm not sure, but he wants to tackle photos definitely, and I'm bringing my staff there and magli-litrato kami doon every shooting," lahad niya.

Bukod sa pagiging photographer sa movie ni Juday, wala ba siyang ibang gagawin na projects?

Continue reading below ↓

"Kasi yung sure ko lang na gagawin ko next year is yung movie with Vic [Sotto] and Dolphy. Yeah! Excited na nga ako, e. Sabi ko nga, sana ang role ko na lang yung piping batuk-batukan nila, e. Masyado kasi akong madaldal sa mga role ko, e!" natatawa niyang sabi.

Ano ang role niya sa movie nina Dolphy at Vic?

"Hindi ko pa alam," sagot niya. "I'm supposed to be starting that when we get back from the U.S. premiere. Late January or February. Wala pang title. Si Tony Reyes will be directing. Even before KKK was shot, I think napag-usapan na namin ito. Kasi ako, kahit anong role, basta makasama ko lang sila [Dolphy and Vic]."

Wala na ba siyang contract sa ABS-CBN?



"Kailan ko ba huling nakausap si Tita Cory [Vidanes]? Christmas special yata. Tita Cory asked me to give her few more days to make the final offer. Kasi, we had so many meetings already. Nagkunsultahan na kami sa isa't isa, what she can offer and what would I want to do for next year. Sabi niya to give her another week, I think, to formulate the contract. Sa ngayon, wala pa," sabi ni Ryan.

Continue reading below ↓

Hindi pa ba niya tinatanggap ang hosting job for Pinoy Dream Academy Season 2?

"Hindi pa. Wala pang official offer sa amin," sagot ni Ryan.

Read Next
Read More Stories About
Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We're not a typical romantic couple. Hindi kami yung ‘Love, love, love, love.' Maharot kami, makulit, malambing, oo. Pero kung romantic at romantic siguro, doon kami hindi romantic. Cowboy kami pareho. Hindi kami yung tipo ng nababasa ninyo sa Sweet Valley High," says Ryan Agoncillo about his relationship with girlfriend Judy Ann Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results