Mark Anthony Fernandez thankful for a blessed 2007

IMAGE 0


"Masayang-masaya talaga ako! Hindi ko inaasahan na magtatagal ulit ako sa trabahong ito," says character actor Mark Anthony Fernandez.



Sobra-sobra ang pasasalamat ni Mark Anthony Fernandez sa taong 2007 dahil sa muling pagsigla ng kanyang showbiz career. Inamin ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ilang beses niyang iniyakan ang pagkawala ng kanyang career nang dahil sa mga nangyari sa kanya noon.



Pero ngayon ay namamayagpag siya bilang primero kontrabida ni Richard Gutierrez sa telefantasya ng GMA-7 na Kamandag. Gumaganap siya bilang si Lucero.



"Masayang-masaya talaga ako!" bulalas ni Mark. "Hindi ko inaasahan na magtatagal ulit ako sa trabahong ito. After ngang ibigay sa akin ang role sa Impostora, pinagbuti ko talaga. Gusto kong ipakita na nagbago na ako. Heto na ang bagong Mark Anthony Fernandez, ready to work again.



"Kaya nagpapasalamat ako sa GMA-7 for giving me another chance. Minsan nga naiiyak ako dahil sa mga magagandang nangyayari sa akin. Nandiyan ang sarili kong pamilya para suportahan ako. And, of course, sina Mama [Alma Moreno] at Papa [Rudy Fernandez] na hindi nagsasawa na ipakita ang suporta nila sa akin.



"Ang ganda nga ng nagdaang Christmas namin, e, masaganang-masagana. Kaya ngayong pagpasok ng Bagong Taon, mas marami akong maise-share na blessings sa pamilya ko," masayang pahayag ng aktor.



Ang pagiging kontrabida na nga ang kina-career ngayon ni Mark. Wala raw problema sa kanya dahil malaking artista naman ang sinusuportahan niya sa Kamandag.



"Maganda ang rapport namin ni Richard," sabi ni Mark. "Okay siyang katrabaho. Mabait at napaka-down to earth. Kahit na isang malaking artista na siya ngayon, napaka-humble pa rin niya. Kaya naman kapag may mga eksena kami, nae-excite ako kasi gusto kong makita yung intensity niya as an actor. Nakaka-inspire kasi ang mga ‘tulad niya.

"Ako naman, ayokong manapaw kung di ko rin lang eksena. Show ni Richard ang Kamadag kaya siya dapat ang mag-shine nang husto. I will shine sa sarili kong mga eksena."

Isa sa mga wish ni Mark sa 2008 ay ang maging active siya ulit sa pelikula. Gusto niyang gumanap mga mga character roles dahil enjoy na enjoy siyang mag-eksperimento sa iba't ibang roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN