Alden Richards, nagpasilip agad sa pagpasok ng 2020

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Jan 2, 2020
Sinalubong ni Alden Richards ang 2020 ng isang pagbati sa kanyang Instagram na may kasamang pasilip ng kanyang abs.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram

Kapapasok pa lang ng 2020, may pasiklab agad si Alden Richards sa pamamagitan ng "mainit" niyang pagbati ng Happy New Year na may kasamang pasilip ng kanyang abs.

Kabilang si Alden sa Kapuso stars na sumalubong sa New Year's Eve countdown nung December 31, 2019 sa SM MOA Seaside Boulevard.

Pero sabi ni Alden, matapos ang kanyang New Year's performance nung gabing iyon, diretso siya at ang kanyang pamilya sa bahay ng kanilang grandparents para roon salubungin ang Bagong Taon.

Continue reading below ↓

Samantala, heto naman ang New Year's greetings at kung paano nag-celebrate ng kanilang New Year's eve ang iba pang Kapuso stars.

Matching polka dot dress sina Marian Rivera at Ate Zia sa New Year's greeting ng Team Dantes with husband Dingdong Dantes and baby boy Ziggy.

]

Simpleng New Years dinner with family ang post naman ni Yasmien Kurdi, together with husband Rey Soldevilla and daughter Ayesha.

Continue reading below ↓

Charging into 2020 with girlfriend Chelsea Robato naman ang post ni Benjamin Alves.

Continue reading below ↓

Girlfriend din ang kasama ni Mark Herras nang mag-celebrate ng kanyang New Year's Eve, as shown sa kanyang post with girlfriend Nicole Donesa.

Together din for New Year ang Kapuso love birds na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Continue reading below ↓

Pero bago yan, nag-New Year's eve dinner muna si Rayver sa bahay ng kanyang kapatid na si Rodjun Cruz at asawa nitong si Dianne Medina.

Ang mag-asawang Rodjun at Dianne naman, nagpaputok ng kwitis nung pagsapit ng Bagong Taon at nag-party with friends pagkatapos.


Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinalubong ni Alden Richards ang 2020 ng isang pagbati sa kanyang Instagram na may kasamang pasilip ng kanyang abs.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results