Paolo Paraiso spends Christmas with ex-live-in partner Mylene Dizon and their son

IMAGE 0


"I love her but I'm not in love with her. Love ko siya bilang magulangng anak ko, pero hindi na ako in love sa kanya para maging partner," says Paolo Paraiso about ex-live-in partner Mylene Dizon.



Sinuportahan ni Mylene Dizon ang ex-live-in partner niya na si Paolo Paraiso sa press preview ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Banal, na ipaplalabas sa January 1. Pero hindi raw nangangahulugang nagkabalikan na sila ni Paolo. In fact, ikinukwento pa raw ni Mylene kay Paolo ang mga manliligaw niya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Paolo, sinabi nitong, "May tatlo siyang naikuwento sa akin. Pero parang sa ngayon, e, wala naman siyang napupusuan. Sa akin naman, okay naman ‘yon. Natatawa lang ako kapag nagkukuwento siya sa akin."

Ayon pa kay Paolo, pawang non-showbiz naman daw ang mga nanliligaw ngayon kay Mylene. Hindi naman itinanggi ni Paolo na nakaramdam siya ng selos sa tuwing nagkukuwento sa kanya si Mylene.



"Siyempre, kahit papaano, merong konti nung simula," sabi ni Paolo. "Pero kailangang tanggapin ko na ‘yon, yung situation na pinag-usapan namin. Nung simula, meron talaga. May konting kirot. Pero ngayon, wala."



Nagkukuwento rin ba siya ng mga nililigawan niya sa ina ng anak niyang si Thomas?



"Wala naman akong nililigawan, pero kapag meron akong nilalabas-labas, sasabihin ko sa kanya, ‘Meron akong nakilalang babae na medyo okay, a.' Tatawa lang siya sabay sabi na, ‘Bakit, kaya mo bang ikumpara sa akin ‘yan?' Tatawa lang ako. ‘Tingnan natin.' Yung mga ganung lokohan lang kami," kuwento ng sexy actor.



Nararamdaman din ba ni Paolo na nagseselos si Mylene kapag nagkukuwento siya ng mga pinopormahan niyang babae?



"Sa salita niya, mukhang hindi naman. Mukhang hindi naman sa kung paano siya magsalita. Sa pagkakakilala ko sa kanya, even nung kami pa, hindi siya selosa. So, ano pa kaya ngayon na hindi na kami?" natatawang pahayag ni Paolo.



Mahal pa rin ba niya si Mylene?



Sagot ni Paolo, "As a friend, oo. As a parent to Thomas, oo. But as lovers, I'm no longer in love with her. I love her but I'm not in love with her. Love ko siya bilang magulang ng anak ko, pero hindi na ako in love sa kanya para maging partner. I'm not in love with her na tipong kinikilig. Yung I have to see her, I have to do this, I have to share my life with her. I'm looking for that special someone to be in love with."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi ba niya nararamdaman na mahal pa rin siya si Mylene?



"Hindi," sagot niya. "Malinaw na sa amin ‘yon. Napag-usapan na namin 'yon. Kami kasi yung relationship namin, dati pa lang based na on usapan. Pinag-usapan namin lahat," paliwanag ng sexy actor.



CHRISTMAS. Paano nila ipinagdiwang ang Pasko?



"Nag-Noche Buena sa bahay ng lola ko. Lahat ng mga tito ko, tita ko, pinsan, ganun. ‘Tapos nag-mass kami ng Noche Buena. ‘Tapos ng Noche Buena, natulog. Pagkagising, Christmas morning, breakfast with the whole family," lahad ni Paolo.



Kasama niya si Mylene at anak nila na si Thomas?



"Oo, kasama siya [Mylene] sa side ng family ko. Pumunta siya sa bahay. Kasi yung family niya out of the country. So, sa amin siya nag-Pasko, kasama si Thomas," ani Paolo.



Hanggang anong oras nag-stay si Mylene sa bahay nila?

"Natulog siya sa bahay namin," sagot niya.

Sa kuwarto niya?



"Oo, magkakatabi kami sa kama," pag-amin ni Paolo. "Si Thomas sa gitna namin. Magkakatabi kami kasi Christmas naman, e. Pero siyempre, wala namang ano... Alam namin ang boundaries namin sa isa't isa. Ipinakita lang namin kay Thomas na 'magkakatabi tayong tatlo kasi Christmas.'"

Idiniin din ni Paolo na wala raw nangyaring seksuwal sa kanila ni Mylene buong magdamag.

"Wala na, e. Naubos na dati!" tawa niya. "Kapag nagkaanak pala, iba na. Lahat ng focus namin, kay Thomas na."

Anong oras umuwi si Mylene?

"The following day, after Christmas lunch. Kasama na niyang umalis si Thomas."

May mensahe naman si Paolo sa susunod na makaka-partner ni Mylene sa buhay na dapat daw intindihin ng lalaki ang situwasyon nila bilang mga magulang ni Thomas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN