Cesar Montano on spat with wife: "Shine's childish reaction on things."

Dec 29, 2007
Cesar Montano and Sunshine Cruz have been married for eight years and separation rumors are not alien to them. Last July, PEP came out with an claiming that Cesar went to girlie bar AirForce1 in Parañaque, which reportedly caused a spat between the couple.

Kaninang madaling-araw, December 29, ay inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang artikulo tungkol sa paghihiwalay diumano ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz. Nilisan daw ng huli, bitbit ang kanilang tatlong anak, ang kanilang bahay sa Quezon City noong araw mismo ng Pasko, Disyembre 25. Sa bahay raw ng ina ni Shine, ang palayaw ng mga kaibigan kay Sunshine, sa Parañaque tumuloy ang mag-iina ni Cesar.

Ang itinuturong dahilan ay ang pagkahumaling umano ng aktor sa isang Brazilian model na nagngangalang Mariana del Rio, ang commercial model ng corned beef brand na Samba, na code name rin daw ni Cesar sa naturang modelo sa kanyang cell phone.

Ngayon-ngayon lang, ala-una ng hapon, nagbigay ng pahayag si Cesarsa pamamagitan ng text sa Editor-in-Chief ng PEP na si Jo-Ann Q. Maglipon.

"This is 1 of shines childish reactions on things..somebody jst txtd her n poisond her mind.she overreactd n speculated wildly. 1st I did not hv any relationship.affair, elopment or a 1 nght stand kind of thing to any Brazilian lady.esp kung bata pa. Lalung hindi. I'm not stupid. . matagal kong pinagpaguran ang pangalan ko.Esp now I'm indorsing several products. I'm not going to ruin it just like dat. I luv my wife, n family. My children r so precious to me hindi ko cla ipagpapalit para lang sa sandaling kaligayahan..I hv all d reason to make my name stay gud and to stay away from ugly things. Perhaps my detractors overwhelmed my wife this time by sending txt msg to destroy my family..my msg to them is, 'may katapusan din kayo.'"

Continue reading below ↓

Wala pa ring statement hanggang ngayon si Sunshine ukol sa isyung ito. Ang huling text na natanggap mula sa kanya ng PEP Editor-in-Chief, ay kaninang 12:30 ng madaling-araw. Aniya, "Hi tita joan. Not ready to talk now. I am hoping that this matter wud be settled. I love my family so much. I will call you soon. God bless."

Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano, Sunshine Cruz
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cesar Montano and Sunshine Cruz have been married for eight years and separation rumors are not alien to them. Last July, PEP came out with an claiming that Cesar went to girlie bar AirForce1 in Parañaque, which reportedly caused a spat between the couple.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results