ABS-CBN: "Filing defamation charges against us diverts attention from the real issue."

IMAGE 0



At press time ay hindi pa natatanggap ng ABS-CBN ang formal copy ng civil case na isinampa sa kanila ng GMA-7 kaninang umaga, January 3. Sa official statement na ipinadala ng Corporate Communications Head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio, sinabi nitong hindi pa raw nae-evaluate ng kanilang mga abogado ang merits ng kaso dahil hindi pa nga nila nakukuha ang kopya ng kasong inihain ng GMA-7.

Sinab rin ng ABS-CBN na "disappointed but not surprised" sila sa naging reaksiyon ng GMA-7 sa pagkakadiskubre ng anila'y TV ratings manipulation. "It appears that they want to prevent the media from mentioning GMA-7 in connection with cheating in the ratings."

Dagdag pa ng Kapamilya Network, "We continue to stand by our earlier news reports that AGB Nielsen Media Research General Manager Maya Reforma identified GMA-7 as the broadcast network behind the efforts that compromised panel homes in Bacolod."

Iginiit din ng ABS-CBN na sa attachment ng affidavit ni Reforma na isinumite sa Quezon City Regional Trial Court, inamin diumano nito na "79 of the 532 homes interviewed from the 6 cities were confirmed by panel homes to have been exposed to efforts by GMA."

"Let's remember that the issue here is about having a clean TV ratings process, the reason we filed a civil case against AGB-Nielsen Media Research. Filing defamation charges against ABS-CBN diverts attention from the real issue. We are confident that the truth will come out," saad ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN