Joross Gamboa signs two-year managerial contract with Becky Aguila

IMAGE 0


Young actor Joross Gamboa (in photo) has signed a two-year managerial contract with Becky Aguila, whose other clients include Angel Locsin, Jennylyn Mercado, and Valerie Concepcion.



Last December 27 ay pumirma na ng two-year managerial contract ang young actor na si Joross Gamboa sa talent manager na si Becky Aguila. This makes him one of the newest wards ng naturang manager, na siya ring nagha-handle ng career nina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Empress Shuck, to name a few.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Joross, sinabi nitong natutuwa naman siya nang makitang excited at marami nang naiisip na career plans for him si Becky. Naniniwala rin si Joross na malaki ang magagawa ng isang manager sa career ng isang artista. Nagsimula sa showbiz si Joross na may talent manager (Jun Reyes) agad, katulong ang Star Magic, na simula't sapul ay siyang nagha-handle ng career niya pagkatapos ng Star Circle Quest (SCQ).

Samantala, binigyang-linaw rin ni Joross ang lumalabas na balitang lilipat na siya sa GMA-7 at may bagong show ang Kapuso network na kasama siya along with Hero Angeles, na ka-batch niya sa SCQ. Ayon kay Joross, wala siyang alam tungkol sa balitang ito dahil kakapirma nga lang niya ng kontrata kay Becky. Siyempre pa, hindi man direktang sabihin, alam naman ng lahat na hanggang ngayon ay hindi pa rin maganda ang relationship ni Becky sa GMA-7.

Nang makausap nga namin si Joross, happy pa rin siya sa pagiging Kapamilya at mananatili siya rito, kaya nga naisipan niyang magpa-manage kay Becky.

Pero ayon kay Joross, kung mabibigyan ng chance, malaki at magiging magandang opportunity sa kanya na makapagtrabaho rin sa GMA-7. Mas magandang experience daw kasi sa mga artistang tulad niya na baguhan pa rin sa industriya ang makapagtrabaho sa iba't ibang networks, productions, at ibang talents.

Ani Joross, "Maganda yung naging working experience ko when I did Maynila [defunct show of GMA-7]. Siguro dahil doon kaya may mga ganitong balita."



Umaasa si Joross na mas maging maganda ang 2008 para sa kanya, lalo na sa kanyang career. Pinakahangad niya ang mas mabigyan pa ng mga challenging roles sa television and movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay rin daw ang pasok ng January sa kanya dahil bukod sa pagpunta niya sa Japan for a show, may sinu-shoot din siyang isang independent/digital film kung saan siya ang bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN