Jean Garcia talks about daughter Jennica's 18th birthday celebration

IMAGE 0


"Kilala ko ang anak ko kasi we're very open to each other. Hindi ako nagkukulang sa pangaral sa kanya. And I wish nga that Jennica will always be the good girl that I raised her to be," says Jean Garcia about daughter Jennica Garcia.



Naging simple lang ang 18th birthday celebration ng anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia last December 26. Kuwento ni Jean sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa farewell presscon ng La Vendetta noong January 3 ay wala raw plano talaga si Jennica for a big party dahil mas gusto nito na mag-outreach at mamasyal na lang sa Hong Kong.

"Kaya sinorpresa na lang namin siya ng mga kaibigan niya at ng mga pinsan niya. Pati na ang mga anak ni Jigo [Garcia, Jenica's father] sa wife niya ngayon ay nandoon, kaya tuwang-tuwang talaga siya," lahad ng aktres.



Kumpleto raw ang surprise debut ni Jean for Jennica. May 18 roses at 18 candles din. Nandoon din ang nababalitang suitor ng kanyang anak na si Mart Escudero bilang bahagi ng 18 roses.



Ayon kay Jean, "Mart was there pero may iba rin namang guy friends si Jennica na nandoon din to celebrate with her. Lahat naman ng mga kaibigan ng anak ko ay special para sa kanya. But of course, si Mart kasi katrabaho niya sa TV shows niya kaya mas special ito kaysa sa iba."



Isa raw sa ikinatuwa ni Jennica ay ang ang surprise guest, ang rapper na si Gloc-9. Paborito raw na rap singer ni Jennica si Gloc-9 at gumawa raw ng paraan si Jean na maimbitahan ito para awitan ang kanyang anak sa debut.

"Naku, halos maiyak ang anak ko nang kantahan siya ni Gloc-9! Naki-duet at nakisayaw siya kay Gloc-9 kaya kumpleto na raw ang birthday niya," masayang kuwento ni Jean.



Niregaluhan rin daw ni Jean si Jennica ng mamahaling laptop na matagal nang hiling nito.


"Noon pa niya request sa akin yung laptop na ‘yon. E, siyempre, binitin ko muna, di ba? Para hindi sabay-sabay ang bigay ko sa kanya. Noong nabigay ko na, hay, masayang-masaya na siya talaga. Talagang nakumpleto na ang Pasko, New Year, at birthday niya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



A MOTHER'S FEARS. Ngayong ganap nang dalaga si Jennica, may mga pangamba si Jean dahil alam niyang sa edad ng kanyang anak ay puwede na itong mag-isip ng kung anu-ano. Dasal ni Jean na huwag munang maging seryoso sa pag-ibig ang kanyang anak.



"Lahat naman yata ng mga parent na may dalagang anak ay yun ang pinangangambahan," sabi ni Jean. "Ako naman, I trust my daughter a lot kaya alam ko na hindi siya gagawa ng hindi ko magugustuhan.



"Kilala ko ang anak ko kasi we're very open to each other. Hindi ako nagkukulang sa pangaral sa kanya. And I wish nga that Jennica will always be the good girl that I raised her to be. Ayokong makitang umiiyak siya or masasaktan siya nang dahil sa pag-ibig. I want her to be a strong woman like her mother."



Sa nangyaring biglaang pagbubuntis ng co-star ni Jean sa La Vendetta na si Jennylyn Mercado, hindi maiwasan na hingan ng komento si Jean since may dalaga na rin siyang anak.



"I just want to say kay Jennylyn to be strong and still be the same person that she is," ani Jean. "I was a lot younger noong mabuntis ako kay Jennica at na-survive ko ‘yon. Ang maganda naman ay nandiyan si Patrick [Garcia] na handa siyang pakasalan. Ako kasi, I was never married kaya hindi ako puwedeng magpayo in regards to getting married and all that. Ang mapapayo ko lang kay Jennylyn ay to embrace her pregnancy, kasi isa ‘yan sa mga milagro na bigay ng Diyos sa aming kababaihan. And if she needs more advice sa pagbubuntis, nandito lang ako to listen and give her advices bilang isang nakakatandang kapatid niya.



"As for Jennica," patuloy niya, "I think my daughter knows it all naman. I'm very open to her and bukas ang isipan ng anak ko. Ngayon, kung hindi talaga maiwasan na mangyari na tulad ng kay Jennylyn, as a mother, susuportahan ko ang anak ko. Wala akong hindi ibibigay sa aking anak, lalo na kung magkaroon siya ng mabigat na problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN