Jennylyn Mercado and Patrick Garcia have no wedding plans yet

IMAGE 0


Patrick Garcia and Jennylyn Mercado decided not to get married yetafter attending a counseling this afternoon in Makati City Hall. Patrick said, "The judge said marriage is...It is very easy to get married but you have to get married for the right reasons dapat."



Hindi tulad ng naunang napabalita, walang kasalan munangmagaganap sa pagitan ng magkasintahang Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

Ayon sa GMA News, sumailalim si Patrick at anggirlfriend niyang si Jennylyn sa isang counseling kaninang hapon, January 3, sa sala ni Judge Selma Palacio-Alaras. Matapos nito ay kinumpirma ni Patrick ang bali-balitang anim na linggongbuntis si Jennylyn at sinabi na hindi muna sila magpapakasal.

"Jennylyn is six weeks pregnant and that why I'm here, Iwould want to set things right sana to get married and panagutan siya. But, of course, the judge said marriage is...It is very easy to get married but to get married to reasons dapat," pahayag niPatrick.

Sa kuwento ni Jennylyn, kinabahan daw siya nang ma-delay angkanyang monthly period. Tinawagan daw niya si Patrick at agad naman siyang sinamahanupang kumuha ng pregnancy test.

Paglalarawan ni Jennylyn, "Takot muna yung nangibabaw. Kaba, takot, nerbyos, lahat na. Tapos, after nun, kasi kasama ko naman siPat, e..."

Sa kanyang pagbubuntis, nakararanas na daw ng paglilihi siJennylyn sa ngayon. Madalas daw nanaiinis siya kay Patrick ng walang dahilan. Kasama rin ang pagkahilo, morning sickness and naghahanap ng iba't ibangpagkain. Ilan sa mga ito, ayon kayJennylyn, "Sandwich, ganun. Spaghettiparati, pasta parati."

Handa namang i-give up ng first female grand winner ngStarStruck ang kanyang career alang-ala sa kanyang dinadalang anak. Sa katunayan, hindi na matutuloy angtamabalan nila ng kanyang boyfriend sa Maging Akin Ka Lamang. Tanging TV guestings muna ang tatanggapin ang dalagang aktres, at walang regular shows.

Pahabol pa ni Jennylyn, "Importante naman kasi yung healthko and yung baby, so family muna, kami munang tatlo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN