Sunshine Dizon willing to work with Angelika dela Cruz again

IMAGE 0


"Yung nangyari sa amin noon, kinalimutan na namin ‘yon. Pareho nakaming nag-move on. Sa totoo lang, masaya ako na nandito na siya ulitsa GMA-7. Okay lang na i-welcome back ko siya bilang Kapuso," says Sunshine Dizon about comebacking Kapuso star Angelika dela Cruz (inset).



Wala raw problema kay Sunshine Dizon kung muli silang magkatrabaho ni Angelika dela Cruz sa bakuran ng GMA-7. Muli kasing nagbabalik si Angelika sa Kapuso network pagkatapos magdesisyon na iwanan ang ABS-CBN dahil sa ilang personal and professional reasons.



Matatandaan na naging malaking issue noon ang hindi magandang working relationship nina Sunshine at Angelika nang magkasama sila sa isang soap opera sa GMA-7, ang Ikaw Lang ang Mamahalin. Umabot pa sa point na kailangang patayin ang character ni Sunshine para lang hindi na magkasama ang dalawa sa naturang show.

Para kay Sunshine, tapos na raw ang mga panahon na ‘yon. Mga bata pa raw kasi sila ni Angelika that time at nadala sila sa mga sulsol ng ibang tao.



"Naku, tapos na ‘yon and pareho na kaming mature ngayon," nakangiting pahayag ni Sunshine sa farewell presscon ng La Vendetta kagabi, January 3. "Tsaka pareho kaya kaming Sunshine ang name. Nickname talaga ni Angelika ay Sunshine, di ba?"

Dagdag niya, "Yung nangyari sa amin noon, kinalimutan na namin ‘yon. Pareho na kaming nag-move on. Sa totoo lang, masaya ako na nandito na siya ulit sa GMA-7. Okay lang na i-welcome back ko siya bilang Kapuso."



Wala rin daw issue kay Sunshine kung magkatrabaho ulit sila ni Angelika. Masunurin lang daw siya sa kung ano ang ipagawa sa kanya ng kanyang home network.



"Wala naman akong choice kung pagsamahin kami ni Angelika, di ba?" sabi ni Sunshine. "Kung ano ang utos sa akin, gagawin ko. ‘Tsaka wala na nga kaming samaan ng loob ni Angelika. I can work with her anytime. There's no issue talaga."



NEXT MOVE. Pagkatapos ng La Vendetta ay gusto muna sanang magpahinga ni Sunshine ng kahit isang buwan at ituloy na niya ang plano niyang kumuha ng Culinary Arts.

"Nasabi ko na ‘yan before na after ng Impostora, I will take up cooking lessons. Pero biglang sinimulan ang La Vendetta kaya wala akong choice. Pero sana nga, kahit isang buwan lang, mabigyan ako ng pahinga para naman makapag-enroll ako. Makakakuha naman ako ng diploma in just two weeks, e. Matagal ko nang gustong mag-aral na magluto," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Balitang ang Angela Markado ang next project ni Sunshine sa GMA-7. Si Hilda Koronel ang orihinal na gumanap bilang Angela Markado na tungkol sa isang waitress na naging rape victim ng isang gang, na isa-isa niyang pinatay.



"Hindi ko pa sure kung yun ang next project ko," paglilinaw ng aktres. "May sinabi na sa akin pero ayaw pa nilang siguraduhin kung ano. Ayokong namang mag-assume na yung Angela Markado nga. Hintayin ko na lang kung ano ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN