Ano ang sabi ni Coco Martin kay Yassi Pressman 'pag aangkas sa kanya sa motor?

by Rommel R. Llanes
Jan 19, 2020
Nagpakilig sina Yassi Pressman at Coco Martin sa launch ng isang bagong scooter.
Video: Rommel Llanes.

Nagpakilig ng fans sina Yassi Pressman at Coco Martin sa kanilang appearance sa launching ng bagong scooter ng Honda Philipines, Inc. na Honda Airblade 150, kahapon, Sabado, January 18.

Habang sinasabi ni Yassi sa fans, guests, at media na pumunta sa launch ang tungkol sa pagiging ligtas sa pang-angkas sa motor, nabanggit niya na dapat may tiwala ang umaangkas sa nagpapaandar ng motor.

Humirit tuloy si Coco ng, "Kailangan nakakapit siya sa malaking muscles ng nagmamaneho."

Naghiyawan lalo ang fans dahil sa sinabing ito ni Coco.

Bukod sa pagkukuwento tungkol sa bagong scooter ng Honda, naghandog pa ng duet at nag-test drive pa sina Yassi at Coco nung araw na iyon.

Sa kanilang duet pagdating sa "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," pansinin kung saan humawak si Coco kay Yassi. Lalo tuloy kinilig ang fans!

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results