Ara Mina talks about Jinky Pacquiao and rumored affair of Cristine and Willie

IMAGE 0


"Si Willie naman, kahit in front of me ay hinu-holding hands niya siCristine. Wala naman 'yon sa akin dahil marami namang klase ng holdinghands," says Ara Mina (in photo) about sister Cristine Reyes holding hands with Willie Revillame.



Palabas na ngayon ang Anak ng Kumander, na pinagbibidahan nina Manny Pacquiao at Ara Mina. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakausap ni Ara ang asawa ni Manny na si Jinky Pacquiao para magkapaliwanagan tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan nilang dalawa last year.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ara ay sinabi niyang umaasa siyang sa taong 2008 ay makakausap na niya ang asawa ng kanyang leading man sa Anak ng Kumander para magkapaliwanagan sila.



Pakiramdam ng sexy actress ay hindi pa handang makiharap sa kanya si Jinky. Kung hihingi naman daw siya ng tulong kay Manny para maging tulay ng pagbabati nila ng asawa ng huli, natitiyak niyang hindi agad-agad itong mapagbigyan ng boksingero dahil alam ni Ara na sobrang abala ito sa ibang bagay.



Malihim ang aktres tungkol sa mga pribadong bagay, pero inamin niyang nakakatanggap din siya ng mga text messages na hindi maganda ang nilalaman. Pero hindi raw siya agad naniniwala na galing sa asawa ng boksingero ang mga ito.



"Aaminin ko may nagte-text sa akin, pero dinededma ko kasi baka mamaya naman, hindi talaga si Jinky ang nagpapadala at may gumagamit lang sa pangalan niya," sabi ni Ara.

CRISTINE & WILLIE. Samantala, lately ay nali-link ang nakababatang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes kay Willie Revillame. May balita pa ngang nakita sina Willie Revillame at Cristine Reyes sa Guam nang magkaroon ng show doon ang Wowowee at nakitang magkahawak-kamay ang dalawa habang namimili sila sa Duty Free.

"Si Willie naman, kahit in front of me ay hinu-holding hands niya si Cristine. Wala naman 'yon sa akin dahil marami namang klase ng holding hands," paliwanag ni Ara.



Nilinaw rin ni Ara na hindi siya naniniwala na may namamagitan ngayon sa kanyang kapatid at sa host ng Wowowee. Alam niyang may crush si Willie sa kanyang kapatid at alam din niyang sobrang nawiwili si Cristine sa komedyante dahil palagi siyang pinapatawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pagdating kasi sa lovelife ng kapatid ko, ayokong makialam diyan," sabi ni Ara. "Si Willie naman, parang barkada lang na niyayakap nga kaming magkapatid, e. Close kami. Kumbaga, parang itinuturing ko na 'yan na kapatid. At least may kuya na ako, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN