TOTOO BA: Ang mga pamahiin sa Chinese New Year ay nagdudulot ng suwerte?

Jan 21, 2020
Bring in the luck this Year of the Rat by paying all your debts and bills before January 25, 2020.
PHOTO/S: ISTOCK

Nalalapit na ang Chinese New Year!

Busy na naman ang preparations para sa mga tradisyon na sinasabing nagdudulot ng suwerte.

Totoo nga ba?

Bagamat walang anumang scientific basis ang mga ito ay daang-daang taon na silang ginagawa.

Wala namang masama, di ba.

At may paliwanag ang feng shui expert na si Master Hanz Cua nang interbyuhin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Instagram direct message noong January 21, 2020.

On top of his list ay ang pagiging debt-free na magdudulot raw ng suwerte financially sa buong taon.

Sabi niya, "Pay all your utang before the year ends, para hindi ka whole year nagbabayad ng utang.

"Bago pumasok ang Chinese New Year, dapat bayad na iyong mga tubig natin, kuryente natin, bayad na lahat."

Mas mainam raw kung bayaran ang mga ito nang buo.

Pero kung sakaling hindi posible na makumpleto ang amount bago dumating ang January 25, narito ang iba pang practices to bring luck into your life this Year of the Rat.

Continue reading below ↓

1. Magpagulong ng kiat kiat o magpasabog ng barya sa loob ng bahay.

Gawin raw ito sa gabi ng January 24 o sa pagsalubong ng Chinese New Year.

Bakit?

Ani Master Hanz, "Kiat kiat or Mandarin orange is like pera," at ang pagpagulong nito o pagsabog ng barya sa loob ng bahay symbolizes fortune entering your home.

Continue reading below ↓

2. PUNUIN ang cash box at lagyan ng bigas, asin, asukal, at gaTas.

Aniya, "Para puno ang suwerte natin."

3. Maglagay ng paper bills sa mga pinto at kama.

Gaya ng kiat kiat, this will attract wealth.

4. Maghain ng 12 kinds of fruits sa mesa.

Ayon kay Master Hanz, sumisimbolo ito sa "12 months of being prosperous."

5. Magsuot ng pulang damit o polka dots sa mismong araw ng Chinese New Year.

Dagdag pa niya, for the rest of the year, dalasan ang pagsuot ng damit na color blue dahil ito ang lucky color of the year.

6. Magdisplay ng mga lucky charms gaya ng litrato ng metal rat.

"Make sure lang na walang family member na pinanganak na Year of the Horse," dagdag ni Master Hanz.

Ang animal signs daw ng rat at horse ay "directly magkalaban."

7. Magbigay ng red envelopes o ang pao sa mga bata.

Ito raw ay "para pang-enhance sa suwerte."

Continue reading below ↓

8. Maglinis ng bahay bago pumasok ang Lunar Year.

Iwasan ang pagwalis o paglabas ng basura mula sa iyong bahay dahil pinaniniwalaang sasama ang suwerte rito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bring in the luck this Year of the Rat by paying all your debts and bills before January 25, 2020.
PHOTO/S: ISTOCK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results