Who's the guy for Kris Bernal—Marky or Aljur?

Dec 31, 2007
It seems like three Starstruck alumni are bound to figure in a love triangle come 2008. A source said that Kris Bernal (middle), Starstruck Batch 4 Ultimate Love team (with Mart Escudero), has an M.U. (mutual understanding) with Aljur Abrenica, Starstruck Ultimate Hunk (right). But the lady is also getting extra sweet with Marky Cielo, Starstruck Batch Ultimate Survivor (left).

Mukhang ang magiging problema ni Kris Bernal sa taong 2008 ay ang kanyang lovelife. Sa ngayon ay dalawang lalake pala ang sumusuyo kay Kris, sina Aljur Abrenica at Marky Cielo, at parehong kapareha pa niya sa Zaido: Pulis Pangkalawakan at Boys Nxt Door sa GMA-7.

Ayon sa reliable source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), mukhang na-develop na nang husto si Marky kay Kris at panay ang bisita raw nito sa bahay ng huli sa Quezon City.

As for Aljur, ang alam ng ating source ay may M.U. (mutual understanding) ang dalawa pero hindi naman daw sila serious sa isa’t isa.

“Ang haba-haba ng buhok ni Kris, huh!” tili ng source. “Dalawang lalake ang nakapaligid sa kanya. In fairness, mukhang serious si Marky kay Kris. Kahit sa taping nila ng Zaido, maalaga raw itong si Marky. Mukhang feel naman ni Kris si Marky. Kinikilig ang loka kapag sobrang sweet sa kanya si Marky.”

Continue reading below ↓

Tinanong namin kung ano naman ang pakiramdam ni Aljur, na siyang naunang naka-relasyon ni Kris, sa pagiging sweet ni Marky?

“After nga with Mart [Escudero], parang naging maingat na si Kris. Ayaw na niyang masaktan kaya yung relasyon nila ni Aljur, gano’n lang. Walang seryosohan kasi hindi pa sila sure sa isa’t isa. Baka raw si Aljur, ma-in love pa sa iba at maiwan na naman sa ere si Kris.

“So far wala namang nagiging problema sa tatlo kapag magkasama sila sa set ng Zaido, though nahahalata kay Aljur na parang nagseselos siya kay Marky. Minsan nga ay buong taping day na hindi kinibo ni Aljur si Marky dahil nalaman niyang close na ang dalawa. I think kinausap siya ni Marky at parang nagkaroon sila ng magandang usapan kaya okey na sila.”

Dagdag pa ng source ay mukhang may chance pala na magkaroon ng relasyon sina Kris at Marky. O baka naman daw meron nang pagkakaintindihan ang dalawa.

Continue reading below ↓

“Si Marky kasi wala pang nagiging girlfriend since nag-showbiz ito. Yung kay Lovi Poe, hindi naman daw niya tinuloy kasi parang ‘di raw siya gusto ni Lovi. Maingat din si Marky kasi ayaw pala niyang binibigyan siya ng pag-asa pero wala naman pala siyang mapapala. With Kris, mukhang maganda ang mangyayari sa kanila.”

Wait na lang natin kung kelan aamin sila Kris at Marky sa kanilang namumuo nang relasyon.

Read Next
Read More Stories About
Kris Bernal, Aljur Abrenica
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It seems like three Starstruck alumni are bound to figure in a love triangle come 2008. A source said that Kris Bernal (middle), Starstruck Batch 4 Ultimate Love team (with Mart Escudero), has an M.U. (mutual understanding) with Aljur Abrenica, Starstruck Ultimate Hunk (right). But the lady is also getting extra sweet with Marky Cielo, Starstruck Batch Ultimate Survivor (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results