Carlene Aguilar on Dennis Trillo: "My son doesn't deserve a dad like him."

IMAGE 0


"After everything that happened these past few months, samga sinabi at ginawa ni Dennis sa akin at sa pamilya ko, I DECIDED NOT TO ASKSUPPORT FROM HIM ANYMORE because it appears that he needs it more to supporthis family," says Carlene Aguilar about the father of her son, Dennis Trillo.



Lalong lumabo ang posibilidad na magkasundo sa pagpasok ngBagong Taon sina Dennis Trillo at Carlene Aguilar. Nabuhay at muling uminit ang sagutan ng ex-lovers dahil saphone-patch interviews sa kanila ng StarTalk kahapon, December 29.

Sa interview sa kanya nina Butch Francisco at Lolit Solis,sinagot ni Carlene ang tanong kung may Christmas gift si Dennis para sa kanilanganak na si Calix Andreas. Natawa si Carlene nang sabihin nito na walang regalosi Dennis kay Calix. Binanggit din niya na apat o limang beses pa lamangdumadalaw si Dennis sa kanilang lovechild magmula nang dumating sila buhat saAmerika, kung saan isinilang ni Carlene si Calix.

Mabilis na nag-react si Dennis sa pamamagitan din ngphone-patch interview. Sa pakikipag-usap ni Lorna Tolentino kay Dennis,ipinahayag nito ang sama ng loob niya dahil sa patuloy na pagsasalita ni Carlenelaban sa kanya.

Pinabulaanan din ni Dennis ang claim ng dating karelasyon nawala siyang Christmas gift para kay Calix at apat na beses lamang niyangdinadalaw ang anak.

Dahil na rin siguro ng matinding sama ng loob kay Carlene,naikuwento ni Dennis na "unreasonable" ang monthly financial support nahinihingi ni Carlene para kay Calix.

Nang minsang magpunta siya sa bahay nina Carlene, hindi rawsiya pinapasok kaya naghintay lamang siya sa labas ng gate.

Napanood at narinig din ni Carlene ang interview ng StarTalkkay Dennis. Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Sa pamamagitan ng email naipinadala niya sa Showbiz Central, isa-isa niyang sinagot ang mga akusasyon sakanya ni Dennis.

Ito ang eksaktong pahayag ni Carlene sa email na ipinadala niya sa Showbiz Central:

"Happy New Year sa inyong lahat. Ito pong sasabihin ko aypara lamang sagutin ang mga sinabi ni Dennis sa StarTalk yesterday, December29, 2007.

"Unang-una po, hindi ako nagpapa-interview para siraan siDennis, sinasabi ko lang po yung totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung nasabi ko kahapon sa StarTalk kay Tito Butch when heasked me how many times na nadalaw ni Dennis si Calix, ang nasabi ko eh yungaverage per month na four to five times. Kasi that time, hindi ko ma-rememberkung ilang beses eksakto niya nadalaw si Calix. But now I checked and because Iwas able to list the dates he visited, ang exact number ay ten out ofsixty-five days since we arrived from the States.

"Once lang din po siya naghintay sa gate namin, nungDecember 16, kasi ang purpose niya lang talaga is to get his driver's licensena iniwan ko sa guard. Walang order sa guard na papasukin siya and wala poang parents ko that time. Hindi namin fault kung naghintay siya ng ilangminuto.

"That same day, iniwan niya sa guard yung ‘ampao'—gift ngsponsor ni Dennis kay Calix at yung gusto niyang ibigay na sustento per month!

"Guess po how much? Five thousand pesos! Nalaman niya kasina ‘yan daw ang amount na binibigay ng isang actor sa mga pamilya niya, eh, masmahal pa dun yung suweldo ng yaya ni Calix. So pag-uwi ng parents ko, naawa kayDennis na baka mas kailanganin pa niya yung pera dahil madami siyangsinusuportahan kaya ibinalik kaagad sa condo niya ang ibinigay niya.

"Sabi pa niya, the amount we're asking is MASYADONGUNREASONABLE?? The child support we're asking THEN was in accordance to theLaw, hindi po kami ang gumawa ng batas.

"Nasasabi kong wala siyang effort dahil wala naman po talagaakong nakikita. Kasi kung meron man, kahit ano pa ang sabihin ko sa kanya, hindilang ang driver niya ang papapuntahin niya sa bahay namin dala pa ang bagongSUV niya nung December 24, 2007.

"SIYA mismo ang pupunta para ibigay kung anuman yungipinadala niya at kung gusto niya talaga makasama si Calix that day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga nag-text ako sa kanya na 'I'm home pero hindiko tinanggap yung ibinigay mo.'

"My new year's message to Dennis? For him to know what toPRIORITIZE, be MAN ENOUGH to make his OWN decisions in life and to always KEEPHIS WORD.

"Akala ko po kasi sa akin lang siya nagsisinungaling, sad tosay pati sa interview niya kay Tito Ricky Lo sa PhilippineStar dated November 25, 2007.

"Marami pa siyang sinabi na hindi totoo, ano ba yun? Pati banaman age niya? And everytime I ask him why he has to lie, lalo na nung sinabiniya na he'll stay single, he always say na ‘Siyempre...Showbiz eh....'

"After everything that happened these past few months, samga sinabi at ginawa ni Dennis sa akin at sa pamilya ko, I DECIDED NOT TO ASKSUPPORT FROM HIM ANYMORE because it appears that he needs it more to supporthis family.

"As for me and Calix, we are contented and very happy withwhat we have now. We're so blessed with very supportive family and friends. Myson doesn't deserve a DAD like him.

"Have a Blessed and Peaceful New Year!!!!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN