Jennylyn Mercado's colleagues reserve comment about her pregnancy

IMAGE 0


(From left) Angel Locsin, Mark Herras, and Yasmien Kurdi still can't believe the news about Jennylyn Mercado's (not in photo) pregnancy.



Ayaw munang mag-comment ng mga artistang malalapit kay Jennylyn Mercado tungkol sa kalagayan nito ngayon.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, at Angel Locsin ang kanilang reaction tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn. Si Mark ang kauna-unahang loveteam ni Jennylyn and also her first showbiz boyfriend. Si Yasmien naman ang First Princess sa kauna-unahang StarStruck, kung saan nanalo si Jennylyn bilang Ultimate Female Survivor. Si Angel naman ay kasama ni Jennylyn sa poder ng manager nilang si Becky Aguila.

Si Angel ang unang sumagot sa amin. Aniya, "Naku, di pa po ‘ata nagsasalita si Jen tungkol po diyan. Mas maganda po siguro kung huwag ko siyang pangunahan. 'Pag nagsalita na lang po siya. Pasensiya na po."

Sumagot si Angel sa amin bago nag-telecast kagabi, January 3, ang 24 Oras na nag-report ng condition ni Jennylyn.

No comment si Mark sa usapan.

"Ayoko na po kasing makisali kung ano man ang nangyari sa kanila. Sana po maging okay ang lahat, yun lang po," pahayag ni Mark.

Tinanong din namin si Mark kung may alam ba siya sa pagbubuntis ni Jennylyn or kung nasabihan siya beforehand, dahil kaibigan naman niya pareho sina Jennylyn at Patrick Garcia. Wala raw.

Nagulat si Mark sa nangyari at hindi niya raw ito ini-expect.

At press time, hindi pa rin naniniwala si Yasmien sa balita kung kaya't "No comment" muna ang sagot niya.

"Seryoso ba ‘yan? Or gimmick? Or for the show?" tanong niya sa PEP.

Nang siniguro namin sa kanyang tunay ang balita, balik "No comment" si Yasmien.

"Sorry po, di pa ako naniniwala hangga't hindi sinasabi ng handler namin," sabi sa amin ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN