Susan Roces considers herself rich—in love and friendships

by Julie E. Bonifacio
Jan 5, 2008
"Sabi nga nila, in one's lifetime, one gets to have a real love, great love," says Susan Roces about her departed husband, the King of Philippine Movies, Fernando Poe Jr. Manay Inday (as she is often called) stars in her first primetime soap Patayin sa Sindak si Barbara starting January 7, 2008.


Buong ningning na sinabi ni Kris Aquino sa presscon-press preview ng Sineserye Presents: Susan Roces Cinema CollectionPatayin sa Sindak si Barbara na ang co-star niya na si Susan Roces ang pinakamayamang babae ngayon sa bansa.

Reaksyon ni Manay Inday (tawag sa kanya sa showbiz) sa sinabi ni Kris, "Well, masama raw ang mag-deny. Ako ay mayaman. Mayaman sa pagmamahal. Mayaman sa mga kaibigan. Mayaman sa suporta ng lahat ng nagmamahal. I really feel very rich...very blessed. At sa awa ng Panginoong Diyos hindi naman ako nawawalan."


Isang kayamanan din na maituturing ni Manay Inday ang kanyang magandang kalusugan. "Oh! Very successful. Hahaha! Alam mo nung una kong marinig ang word na yun, ‘Naku, you're very successful.' Akala ko...talagang, sabi ko, successful? Papaano? In what way had I been successful? Yun pala ang ibig sabihin noon you're very fat," sabi niya, sabay tawa ulit.

Ang TV version ng Patayin sa Sindak si Barbara ang kauna-unahang teleserye ni Manay Inday sa primetime. Kaya inalam namin kung may exclusive contract ba siya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Ako ay Kapamilya. Hindi ko masasabi na under contract ako since ABS-CBN is now the home for five years of all of FPJ's film library. Siguro kaplastikan naman sabihin kong hindi ako ‘di ba? Pero ako ang Kapamilya na may puso."

Satisfied ba siya sa outcome ng remake ng Patayin? "Ah, you don't call it a remake. It is the sineserye version of Patayin. Iba naman ang approach. May mga additional element na that makes it more current."

Updated? "Oo, updated. That's the right word, updated."

Kumusta naman ang working relationship nila ni Kris?

"It's very nice to work with Kris. Maganda ang working relationship namin. Maganda rin ang working arrangement namin. In fact, I appreciate her being very concerned to me as a senior actor na inisip niya, ‘Naku, si Tita Susan, hindi puwedeng puyatin.' So, ni-request niya along with her request for herself na hanggang alas-dose lang. At kahit gaano kaaga puwede kaming mag-report, basta hanggang alas-dose lang.

Continue reading below ↓

"Nasusunod naman ‘yun. Kung ilang minuto lang naman at isang oras ang lagpas, e, okey na rin kasi alam naman natin na hindi naman puwedeng eksaktuhin pero hindi naman kami nasasabak sa pa-morningan."

MOVIE CAREER PLANS. May balak ba siyang i-revive ulit ang FPJ Productions at ang sarili niyang production outfit noon na Rosas Productions?

"Ah, hindi ko kaya ang nagawa ni FPJ. Hindi ko rin kaya ang budget na kinakailangan upang makagawa ng magandang pelikula ngayon under my own outfit. So, sa ngayon, ang tanging nasa isip ko lang na involvement sa film making is to be an actor kung saan ako nababagay."

Ano naman ang masasabi niya sa pagnanais ni former president Joseph Estrada na makagawa ulit ng pelikula at gusto niya sa Star Cinema Productions din?

"Well, that's good news. I'll look forward to that. Napanood ko yung mga Erap series niya, e."


Papayag ba siya kung sakaling kunin din siya na makasama si Erap sa pelikula?

Continue reading below ↓

"Ah, sa entire movie career ko minsan ko lang nakasama si Erap in one movie titled Buhay sa Buhay (1965). Yes, why not? Kung magkakaroon ng pagkakataon bakit hindi?"


LOVELIFE AFTER FPJ. Maraming curious na malaman kung bukas ba ang puso ni Manay Inday na ma-in love ulit pagdating ng araw. Idinaan sa kanta ni Manay Inday ang kanyang sagot.

"Pagdating ng panahon. Hahaha! Ayokong tuldukan. Hindi ba meron ding kantang ganun? Pero, uh, that's farthest from my thinking, my thoughts. Sabi nga nila, in one's lifetime, one gets to have a real love, great love, kumbaga. Pero I like the song na may lyrics na 'the greatest love of all is to love yourself'. Love yourself, that's the best way to show how much you love those who love you."

Paano niya ipinagdiwang ang kanilang wedding anniversary ni FPJ last Christmas?

"We have two anniversaries. One is our elopement anniversary tuwing Decemeber 16 and then our wedding in the church, which is December 25. The entire world celebrated our anniversary. Hahaha! Isn't that great?"

Continue reading below ↓

May mga dumating bang mga relatives ni FPJ sa bahay nila noong nakaraang Pasko?

"Yes, ang [death] anniversary kasi ni FPJ is December 14. So, two of the sisters arrived also with my brother-in-law. My other sisters in-law stayed on for Christmas. We had our regular family reunion."

May dumating ba sa sa mga anak ni FPJ bukod kay Grace Poe-Llamanzares? "Hindi kami nagkaaroon ng pagkakataon na magkikita-kita. But I am sure they always honor and remember him."

What about Lovi Poe? Malapit ba sila sa isa't isa? "Well, it would be a lie if I would say that, no? We still have to know each other better."


Na-meet na ba niya si Lovi? "During the wake of FPJ. I think they were given naman their due rights to honor him. Ah, wala pang naging oportunidad para kami magkaroon ng ganung relationship."


Was there was a chance na napanood niya si Lovi sa TV na umaarte? "When Lovi did Bakekang with Sheryl [Cruz]. I got to watch some of the episodes whenever I can, whenever I am at home."

Continue reading below ↓


Posible bang magkaroon ng pagkakataon na maging malapit sa kanya si Lovie?

"Whatever it is between FPJ's children, ah, it's personal to me and I would want to keep it private because I think it might be given a wrong interpretation if we make any announcements. Baka sabihin nanggamit, ginagamit, etc, which will be very unfair to those involved including me."

How about si Ronian na anak din ni FPJ, puwede kayang pag-usapan ito?

"Hindi naman sa hindi puwedeng pag-usapan. But I respect their privacy the way they are respecting my privacy. They are nice kids. They are very respectful to me and I appreciate that. I wish both of them well. I wish all of them well."


Okey lang ba sa kanya na gamitin ni Lovi ang 'Poe' bilang surname sa screen name niya? "Well, that is her birthright. So, it's not for me to say 'puwede', 'hindi puwede'. That is her right. That name does not belong to me solely.

Continue reading below ↓

"Sa totoo lang, sampid lang ako," ngiti ni Manay Inday.

But PEP points out that she is the legal wife of Fernando Poe Jr. "Sampid lang ako kasi by marriage. I will forever be Sonora," tawa ulit ni Ms. Susan Roces, na ang real name ay Jesusa Sonora.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi nga nila, in one's lifetime, one gets to have a real love, great love," says Susan Roces about her departed husband, the King of Philippine Movies, Fernando Poe Jr. Manay Inday (as she is often called) stars in her first primetime soap Patayin sa Sindak si Barbara starting January 7, 2008.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results